"Bye for now Davao" super enjoy sina Andi and kids sa pag-stay | Its time to fly back to Siargao!

Lunes, Marso 7, 2022

/ by Lovely


Nagpaalam na sina Andi sa Davao pero bago umalis ay sumali muna sila sa isang 'boodle fight'. Napakasayang experience nito lalong lalo na kina Lilo na sobra ang galak na nakalabas sa kanilang comfort zone. 

"Hanggang sa muli Davao"

Deretso na ang happy islander family sa kanilang hometown sa Isla ng Siargao. Nagpa-picture muna sina Andi sa kanilang mga kaibigan bago nagpaalam at hindi pa doon nagtatapos, dahil soon ay muli silang magkikita sa Siargao naman, na parang reunion with friends.



Nag-enjoy din ang panganay na anak ni Philmar na si Toro Alipayo sa pagstay sa Davao kasama ang kaniyang mga kapatid at Tita Andi.

Nagpakitang gilas muna si Lilo bago ang kanilang pag-alis sa Davao. Siguradong mamimiss nila ang cute na cute na tawa ni Lilo na laging nakikipag-bonding sa mga kaibigan ni Philmar. Kaya naman sila ay tuwang-tuwa sa bata.


Kahit  messy naman ang buhok ni Elle habang nagpapicture si Bornok na kaibigan ni Philmar sa kanya ay sobrang ganda parin.

Sobrang welcoming ang mga taga-Davao, asikasong-asikaso talaga sina Philmar at Andi. Siguradong babalik-balikan nila ito lalo na ang pagkakaroon ng chance ni philmar na makapag-surf sa lugar.

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo