Erich Gonzales ikinasal na sa kanyang boyfriend na si Mateo Lorenzo sa isang private wedding!

Huwebes, Marso 24, 2022

/ by Lovely


Ikinasal na si Erich Gonzales sa kanyang nobyong si Mateo Lorenzo nitong March 23, 2022 sa St. James The Great Parish sa Muntinlupa City matapos ang ilang taong magkarelasyon. Ang relative ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ang siyang unang nagpakita ng larawan na kuha sa actual wedding nina Mateo at Erich.  Isa itong black and white picture na kinunan habang nakaupo sa harap ng altar ang ikinakasal. Si Mateo ay nakasuot ng barong. Ito ang unang larawan na lumabas sa social media na kuha sa kasal ng aktres ngunit makalipas lamang ang ilang saglit ay agad din itong binura ng uploader.

Mapapansin na naging masekreto si Erich sa pagbabahagi tungkol sa relasyon niya kay Mateo. Kumalat lamang sa publiko ang magaganap na kasal dahil sa wedding banns nila mula sa simbahan na lumabas noong February 2022. Ang wedding banns ay isang public wedding announcement ng simbahan tungkol sa nalalapit na kasal ng magkasintahan. Makikita sa wedding banns ang petsa ng kasal nina Erich at Mateo. 


Nagsimula ang mga speculation tungkol sa relationship status ni Erich noong 2018 nang ilawaran niya ito bilang single but not available. Kalaunan ay kinumpirma ng aktres na mayroon siyang non-showbiz suitor at magkasama silang pumunta sa Japan. Hindi pinangalanan ni Erich ang lalaki pero ibinunyag niya na kapatid ito ng boyfriend ni Claudia Barretto na si Bastie Lorenzo. Mula noon ay sinikap ni Erich na panatilihin ang privacy tungkol sa kanyang lovelife.



Hindi siya nagpopost ng anumang bagay sa social media na maaaring magmungkahi na siya ay nakikipagdate. Ngunit, sa kanyang Q and A vlog noong 2019 ay isiniwalat niya ang tunay na dahilan ng kanyang pananahimik.

"I think its for the best. I want to protect something so precious to me, something beautiful. I don't want to ruin it so sa akin na lang iyon."

Marami naman ang humanga dahil nagawa ni Erich na panatilihing low-key ang kanyang love life with Mateo. Hindi naman daw kasi umano biro ang kinabibilangang pamilya ni Mateo at sinasabing mga private person ang mga ito. 

Sakabila ng pagiging celebrity nito, si Erich talaga ang nag-adjust para sa pamilya ni Mateo. Bagama't tinagurian bilang super rich ay mas pinili pa ring maging pribado at low-key. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo