Ilang beses ng naging kontrobersiya ang tungkol umano sa "sumpa ng korona" na tila patotoo sa ilang relasyong nagtapos sa pagkamit sa inaasam na tagumpay ng mga beauty queens. Pero dumaan man ang ibang mga beauty queens na ito sa kabiguan sa pag ibig nahanap naman nila ang mga taong nagmamahal sa kanila ngayon! Ating kilalanin ang mga beauty queens na in relationship status ngayong taon! Sa listahan na ito ay hindi kasama ang mga beauty queen na ikinasal na sa kanilang mga karelasyon ngayon!
8. Maxine Medina at Timmy Llana
Kinoronahan Miss Universe Philippines 2016 ang 31 year old beauty queen actress na si Maxine Medina. Hindi naman kaila na nanggaling sa pitong taong relasyon si Maxine sa model-actor bago nila ito tapusin noong 2018. Noong December 27, 2020 ipinagmalaki ni Maxine ang natanggap niyang promise ring mula sa non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana. Si Timmy ay isang diving instructor kaya madalas silang nagdadate sa beach. Noong June 2021 sa pagdiriwang ng kanilang third anniversary ay masayang ibinahagi ni Maxine ang nakakakilig na mensahe para sa kanyang boyfriend na may kasamang sweet photo nilang dalawa.
7. Beatrice Luigi Gomez at Jhon Odin
Ang 27 years old na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang kinoronahan bilang Miss Universe 2021. Siya ay isang proud member ng LGBTQIA community. Siya rin ang kauna-unahang babaeng bisexual na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines. Matapos mapabalita ang break-up ni Beatrice sa dating karelasyon nito, ginulat ni Beatrice ang netizens nang isapubliko niya ang kanyang bagong karelasyon. Sa pamamagitan ng Instagram ibinahagi ni Beatrice ang larawan nila ng nobyo noong February 15, 2022. Nagpost din si Beatrice ng isang black and white photo sa kanyang Instagram story kung saan nakatag ang boyfriend niyang si Jhon. Nirepost ni Jhon ang parehong larawan sa kanyang instagram stories. Matatandaang lumutang ang pangalan ni Jhon noong nakaraang taon bilang dahilan umano sa break up nina Beatrice at Kate Jagdon.
6. Bianca Manalo at Sherwin Gatchalian
Ang 34 year old actress na si Bianca Manalo ang nagwagi bilang Bb. Pilipinas Universe 2009. Sino ang mag-aakala na mahuhulog ang loob ng beauty queen sa katauhan ni Sen. Sherwin Gatchalian. Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at masayang ipinagdiriwang ang kanilang anniversary noong November 18, 2021. Isa ang relasyon nila ang hinahangaan lalo na sa pagiging mature nito at hindi maitatangging kilig kahit na medyo magkalayo ang agwat ng edad nila. Matatandaang kinumpirma ni Bianca ang relasyon nila ni Sen. Win noong November 20, 2019 sa post nito tungkol sa kanilang first anniversary. Matapos ang pag-amin ay hindi naman ipinagkait ni Sen. Win at Bianca sa publiko ang pasilip sa kanilang buhay pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang social media. Bagama't busy sa kani-kanilang karera ay hindi naman nagkulang sina Bianca at Win na magpakita ng suporta sa isa't isa. Katunayan isa si Bianca sa nangungunang supporter ng boyfriend para sa pagtakbo ng nobyo bilang senador sa darating na 2022 National Elections.
Noon pa lang December 2021 ay usap usapan na ng mga netizens na tila may pagtatangi sa isa't isa sina Rabiya at Jeric. Namataan silang namamasyal sa Enchanted Kingdom. Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng Wish Ko Lang noong November 2021 at tila iyon ang naging sanhi na magkalapit sila. March 2022 kinumpirma na ng Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapuso actor Jeric Gonzales ang kanilang relasyon. Sa isang Instagram post ni Rabiya ipinakita niya ang ilang sweet photos nila ng boyfriend na kuha sa Bohol. Makalipas ang ilang oras si Jeric naman ang nagpost ng larawan nila ni Rabiya.
4. Catriona Gray at Sam Milby
Ang Filipino-Australian beauty queen na si Catriona Gray ay kinoronahang Miss Universe 2018. Siya ang pang-apat na pinay na naging Miss Universe. Sa kasisimula ng kanyang karera ay hindi niya naiwasang maiugnay sa mga kasamahan niya sa showbiz particular sa Filipino-American actor na si Sam Milby. Ilan buwan ding balibalita na may namumuong special na ugnayan sa pagitan ng dalawa at noong May 2020 si Sam Milby na mismo ang umamin sa relasyon nila sa pamamagitan sa pagpost ng unang larawan nila Catriona sa mismong birthday niya sa kanyang Instagram account. Parehong mailap sina Sam at Catriona pagdating sa detalye kung paano nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't isa. Ngunit aminado si Sam na itinuturing niya si Catriona bilang kanyang 'The One' para sa kanya. Sa kabila ng paglantad nila nanatili pa rin ang privacy nila sa pagbabahagi ng kanilang lovelife. Low key man sila pagdating sa kanilang relasyon, minsan nang inamin ni Catriona na siya ang tipo ng girlfriend na sobrang malambing.
3. Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey
Tatlong beses na sumali sa Bb. Pilipinas si Pia Wurzbach at sa ikatlong pagkakataon ay napagtagumpayan ito. Matapos ang apat na dekada nauwi ni Pia ang korona sa bansa bilang Miss Universe 2015. Katulad nang kanyang pagkapanalo sa beauty pageant, naging makulay at maingay ang kanyang lovelife. Sa cover picture ng June 2020 edition ng Luxury Magazine na Tatler Philippines ay kinumpirma nila Pia at Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon. Si Jeremy Jauncy ay British businessman at founder CEO ng Beautiful Destinations. Isa siya sa maimpluwensya na boses sa industriya. Simula pa lang nang 2020 ay napabalita na nagkamabutihan nina Pia at Jeremy. Sa panayam nila sa Tatler sinabi nina Jeremy at Pia na gusto nilang tiyakin na mayroon silang matibay na pundasyon bago nila isinapubliko ang kanilang relasyon. Dagdag pa ng beauty queen na ayaw na niyang maulit ang dating pagkakamali sa pagaanunsyo ng kanyang relasyon. Ayon naman kay Jeremy noong una pa lang silang magkita sa London ay nabighani siya kaagad sa Pilipina beauty queen. Matapos ang kanilang pag-amin naging bukas sa publiko ang relasyon nila.
2. Kylie Verzosa at Jake Cuenca
Si Kylie ang nag-uwi sa koronang Miss International 2016. Matapos ang kanyang tagumpay sa larangan ng beauty pageant ay pumasok naman si Kylie sa pag-aartista. Dito ay hindi maiwasang maiugnay sa mga katrabaho sa industriya isa na rito ang kapamilya aktor na si Jake Cuenca. Nagkatambal ang dalawa panghapong serye ng ABSCBN na 'Los Bastardos' noong June 14, 2019 sa panayam kay Jake ay inamin ng aktor na pitong buwan na silang nagdadate. Noong panahon ng ECQ ay mas nagkaroon ng pagkakataon sina Jake at Kylie para sa isa't isa nang magkasama sila sa iisang bahay. Noong February 2021 ay naging tampulan naman ng negatibong komento si Jake matapos ang prank proposal niya sa kanyang girlfriend. Ayon kay Jake ang sekreto sa mabuting pagkakaunawaan nila ni Kylie ay ang pagkakaroon ng bawat isa sa kanila ng alone time.
1. Ruffa Guiterrez at Herbert Bautista
Ang 47 year old na beauty queen actress na si Ruffa Gutierrez ang Bb. Pilipinas World 1993 at second runner-up sa Miss World 1993. Isa ang buhay pag-ibig ng beauty queen sa pinag-uusapan dahil na rin sa mga nagdaang relasyon na hindi naman lingid sa publiko. Matapos ang pananahimik ng buhay pag-ibig ng aktres ay tila natuldokan ito sa pagkumpirma nito mismo sa kanyang Instagram noong March 15, 2022. Ang tinutukoy ni Ruffa sa kanyang post ay si Herbert Bautista. Si Herbert ay may dalawang anak sa dati nitong karelasyon. Maliban sa pagiging magaling na aktor ay pinasok ni Herbert ang pulitika at nagtagumpay naman sa karerang tinahak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!