Matatandaang humiling si Willie Revillame sa pamamagitan ng Facebook page at YouTube channel ng Wowowin na sana'y ipagdasal siya ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga matapos niyang malaman na may Polyps siya sa colon. Inamin ng TV host na nakaramdam siya ng takot nang ipinaalam sa kanya ng mga doktor ang kanyang kondisyon. Kaya naman agad siyang sumailalim sa iba't ibang medical tests. Habang wala pang resulta ang mga tests na ginawa sa kanya, aminado si Willie na natatakot dahil malaki umano ang tyansa na may kanser siya.
Noong lunes March 28, 2022 dumating na ang resultang hinihintay niya. Malaki ang pasasalamat ng TV host comedian na si Willie Revillame matapos malamang negatibo siya sa cancer.
"Thank you Lord. Thank you."
Ang maligayang pahayag ng host ng Wowowin nang matanggap ang good news mula sa kanyang mga doctor.
"Talagang napakalakas ng power ng sama-samang pagdarasal ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya."
Kaya ang paalala niya sa publiko na kailangang nagpapacheck up yearly.
"Kung hindi niyo talaga kaya. Magpacheck kayo kahit outpatient kayo. Lalong lalo na yung Endoscopy Colonoscopy para malaman niyo ho kung anong meron kayo sa loob," pahayag ni pa ni Willie.
Dagdag pa niya,
"Parang po yung sa'kin nagkaroon po ako ng tinatawag nating Polyps. Nakita sa colon ko na may Polyps ako.Madalas mayroong ganoon natatanggal naman every year. Eh two years po tayong hindi nakapag executive check up because of COVID. So dalawang taon akong hindi na check then mayroong nakita sa stomach ko. Pero sa awa po ng diyos kanina tinawagan ako ng aking doctor. Sabi niya, 'Willie kumusta ka? Sobra kang magdasal good news negative ka sa cancer.'"
Malaki ang pasasalamat ni Willie Revillame sa panginoon at sa mga taong nagdasal para sa kanya.
Inaatake din umano siya ng kaba habang hinihintay ang resulta ng kanyang test at hindi daw siya nakakatulog ng maayos sa gabi.
Samantala handa naman umano si Willie sa worst na mangayayari. Ready daw umano siyang magpa-opera at putulan ang kanyang bituka kung kinakailangan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!