Isyung may anak sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, hindi makatotohanan? Diether ipinatigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon!

Lunes, Marso 21, 2022

/ by Lovely


Kailan lang ay may kumakalat na balita patungkol sa balitang nagkaanak umano sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo sa mahigit isang taon nilang pagsasama dati noong 2004. Bago maghiwalay at nakasal si Kristine Hermosa kay Oyo Sotto ay nagkaroon umano ng anak si Kristine kay Diether. Pero ayon sa YT channel na nagkalat sa impormasyong ito ay nagkasundo raw ang dalawa na ilihim na lang ang tungkol dito at si Diether na lamang ang mag-alaga sa bata.

Tila mahirap paniwalaan ang storyang ito kasi kung iisipin wala namang ina na ipauubaya ang kanyang baby sa pangangalaga sa ama para lamang maprotektahan ang sarili. Hindi rin naman nakitang nagdadalang tao noon si Kristine.

Pinagdidiinan naman ng YT Channel na umano'y sa isang taong pagsasama nina Diether at Kristine ay nagbunga ito ng isang supling na itinago na lamang sa publiko. Minarapat daw ng mag-ex na ilihim ang anak nila sa publiko. Binigyan diin din nito na ang kasalukuyang partner ni Diether Ocampo ay galit umano kay Kristine Hermosa. 


Tila mabilis na pinag-uusapan sa social media platforms ang di umano'y pagsiwalat ni Diether Ocampo sa di umano'y bunga ng pagmamahalan nila noon ni Kristine Hermosa na mahigit isang dekada nang kasal kay Oyo Sotto.  Nasa  pangangalaga umano ni Diether ang bata dahil may pamilya na si Kristine. Maayos naman daw umano ang hiwalayan nila at araw-araw pa ring kinumusta ni Kristine ang bata. 

Marami naman ang nagulat sa balitang ito. Hiling ni Diether ay sana matigil na umano ang chismis dahil nakakasira umano ito sa kanilang imahe. Pakiusap pa ni Diether Ocampo na sana'y bigyan na sila ng privacy ni Kristine dahil pareho na umanong tahimik ang kanilang buhay at masaya na sila sa kani kanilang buhay ngayon.


Hindi rin daw makatotohanan ang nasabing YT channel na nagkalat ng impormasyong ito. Dahil ang laman ng YT channel ay puro mga fake news isa pa naka off ang comment section nito. Nagpapakalat lamang daw umano ito ng maling mga impormasyon upang makakuha ng maraming views. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo