Matatandaan na November last year nang magpost si Katrina ng larawan niya sa kanyang social media account na nagpapakitang nakaupo siya sa isang MRI table sa St. Lukes Hospital. Nilagyan pa niya ito ng caption na,
Salamat sa nag-aalaga sa akin.
Dahil dito nagka idea ang marami na tila may pinagdadaanang medical condition ang actress . Nang mga panahong iyon sinabi niyang wala pa siyang masasabi kung ano nga ba ang kanyang sakit dahil wala pa umanong resulta ang mga tests na ginawa sa kanya. Kailangan pa umano niyang kumunsolta sa dalawa pang doctors para dito. Pero ayon sa aktres noong mga oras na iyon halos dalawang buwan na siyang nakakaramdam ng sakit.
Nagkataon umano na nasa lock in taping siya para sa kanyang GMA afternoon prime na 'Prima Donnas Book 2' kaya tiniis muna niya ang sakit na nararamdamdaman. Habang nasa lock in taping mayroon daw siyang online consultation at niresetahan muna siya ng gamot para sa kanyang nerves at para sa pain. Tiniis na muna niya umano ang sakit dahil alam niyang malapit ng magtapos ang lock in taping nila. Kaya nang kinailangan pang iextend ang taping ay nagpaalam na raw talaga siya dahil kinailangan na niyang magpa consult sa doctor.
Noong November 6 muling nagpost ang aktres na nakapagpakonsulta na siya sa doctor sa St. Luke's Hospital. Sa kasunod na post, ipinakita ang series of x-ray ng kanyang leeg ang kanyang ipinakita. Dito ay ipinapakita ni Katrina na ang kanyang leeg ang may problema. Marahil ay doon nagmumula ang sakit na nararamdaman siya doon sa lock in taping. Habang nasa 'Prima Donnas Book 2' virtual media con last January 10 muling nakamusta ng press ang kalagayan ng aktres.
"Ok naman po ako," masayang pagbabalita ni Katrina.
"Nagpacheck-up po ako. Nagapa-MRI ako. Dito sa neck ko ang may problema. Tapos sa nerves ko naman binigyan lang po ako ng gamot para mawala yung sakit. Actually sa ngayon po wala na po akong maintenance. Ok na po ako nung nakaraan lang po medyo alarming kasi hindi na gumagalaw. Naninigas na po ang leeg ko ng halos isa't kalahating buwan," pagbabalik tanaw niya sa nakakatakot na experience.
Ayaw nang idetalye pa ni Katrina sa press conference kung ano ang kanyang naging karamdaman. Ang importante daw ay magaling na siya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!