KILIG COUPLE VALENTINES DAY CELEBRATION of 2022 KathNiel, Lizquen, BeaDom, Mclisse, KimXi, Loinie

Biyernes, Marso 4, 2022

/ by Lovely

Paano nga ba nagdiwang ng Valentine's day ngayong taon ang mga sikat na showbiz couple?

    KATHRYN BERNARDO & DANIEL PADILLA

Isang napakalaking bouquet of flowers para kay Kathryn ang ibinigay ni Daniel Padilla ngayong Valentine's day. Hindi rin kinalimutan ni Daniel na bigyan ang mga pamangkin at ang mommy ni Kathryn.

Kasama ng KathNiel ang real life couple na sina Sofia Andres at Daniel Miranda sa isang overnight trip ngayong Valentine's.

    BEA ALONZO & DOMINIC ROQUE


Bilang celebration sa araw ng mga puso ay naghanda si Dominic Roque ng isang Valentine's beach getaway para sa girlfriend na si Bea Alonzo sa El Nido, Palawan. Masayang ibinahagi ng showbiz couple ang kanilang Valentine's day doon. 

    KIM CHIU & XIAN LIM


Nagtungo sa beach ang real life couple na sina Xian Lim at Kim Chiu. Kasama ng bouquet of flowers mula kay Xian, ay ang sweet message para sa girlfriend. Nagkaroon rin ng Valentine's dinner date ang dalawa. Sa mga social media accounts nina Kim at Xian, parehong nagbigay ng nakakakilig na mensahe ang dalawa para sa isa't-isa.

    GERALD ANDERSON & JULIA BARRETTO


Kasama naman nina Gerald at Julia ang buong Barretto Family sa pagcelebrate ng Valentine's day.

    SUE RAMIREZ & JAVI BENITEZ 


Isang dinner date ang inihanda ni Javi Benitez para sa girlfriend na si Sue Ramirez ngayong Valentine's day. 

"I love how good you are at choosing flowers", sabi ni Sue sa boyfriend. 

    ELLISSE JOSON & MCCOY DE LEON


Valentine's date night ang naging celebration ng showbiz couple na sina Ellisse at Mccoy. Hindi rin kinalimutan ni Mccoy na bigyan ng  bouquet of flower ang apat na babae sa kanyang buhay. Una, ang anak nito na si Felize. Ikalawa, ang girlfriend na si Ellisse. Ikatlo at ika-apat, ang mommy at bunsong kapatid niya na si Shyla.

Na-surprise naman si Ellisse sa kanyang pag-uwi nang may pahabol pa na surprise setup si Mccoy syempre kasama nila si baby Felize. 

    ENRIQUE GIL & LIZA SOBERANO

Nagkaroon ng Valentine's dinner date ang real life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Isang nakakakilig na caption na ibinahagi ni Enrique Gil para sa kanyang only Valentine na si Liza. 

    LOISA ANDALIO & RONNIE ALONTE

6 years of spending Valentine's together ng showbiz couple na sina Ronnie at Loisa Andalio. Ibinahagi ni Loisa sa kanyang social media ang mga regalo ni Ronnie para sa kanya. 

    MICHELLE VITO & ENZO PINEDA 

Isang Valentine's dinner date ang naging celebration ng real life couple na sina Michelle Vito at Enzo Pineda. Ibinahagi din ni Michelle ang flower mula sa boyfriend.

   BARBIE FORTIZA & JAK ROBERTO

Ngayong taon ay hindi nakapagdiwang ng Valentine's day ang kapuso showbiz couple na sina Barbie at Jak dahil nakalock-in taping ang kapuso actor ngayon. Kaya naman binisita nalang ito ni Barbie Fortiza sa lobby ng hotel. Nagpadala din ng seafood si Jak sa pamilya ng girlfriend.

    GABBI GARCIA & KHALIL RAMOS


Maagang nagdiwang ng Valentine's day ang kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ngayong taon. Ibinahagi ni Khalil ang naging Valentine's dinner date nila ng girlfriend, pareho kasing sasabak sa lock-in taping ang dalawa. Sa araw mismo ng mga puso ay ibinahagi ni Khalil ang naging virtual date ni Gabbi kasama ang pag-iyak nito.

    AJ RAVAL & ALJUR ABRENICA


Sa araw ng mga puso ay spotted ang rumored couple na sina Aj Raval at Aljur Abrenica sa isang hotel sa Leyte. Tila roon magkasamang ipinagdiwang ng dalawa ang Valentine's day.

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo