Kit Thompson may pinagseselosan baka umano ang dating asawa ni Ana Jalandoni!

Lunes, Marso 21, 2022

/ by Lovely



Aware kaya si Kit Thompson na ang kanyang girlfriend ay may asawa na ngunit ngayon ay hiwalay na? Ito ang nabanggit ni Ogie Diaz sa Showbiz Update Youtube Channel nila ni Mama Loi . Base sa kwento ng talent manager at vlogger ay nakilala na niya si Ana Jandoni na isang actress at producer dahil inilibre siya sa isang Korean restaurant.

"Ito'y nakarating lang sa akin mula sa kaibigan ni Ana na parang selos ang dahilan ng pananakit umano sa kanya ni Kit."

"Nakausap ko si Ana Jalandoni dahil nagkita kami sa kanyang Korean restaurant at doon nga ay tinreat tayo ni Ana kailanlang so nakibalitaan ganyan. Nakilala ko si Ana, sinabi naman niya na siya ay may ex-husband at aware naman si Kit tungkol dito", kaswal na kwento habang nakikinig sila Mama Loi.


Habang magkasama umano sina Ogie at Ana ay tinawagan daw  ng huli si Kit na nasa lock in taping sa araw na iyon.

"Tinawagan ni Ana si Kit, so pinakita sa akin ang video call sabi 'hi Kit.' parang nasa lock in taping siya, parang nagluluto siya noon. Bumati naman ang aktor ng, 'hi Mama Ogz.' Tapos nagchikahan kami. Pagkatapos naming magchikahan, siguro inalam ni Kit kung nasaan at sino ang kasama ni Ana. Baka may pagseselos nga."

So nung pagbaba ng phone sabi ko kay Ana,

"Alam mo Ana, ikaw nakipagrelasyon ka sa showbiz. Madalas na nangyari na hindi nagtatagal pareho kayo. Sabi ko, 'ienjoy nalang huwag masyadong magpalunod sa pag-ibig."

 At dahil sa nangyaring gulo nila Ana at Kit nitong Byernes ng madaling araw ay sinabihan si Ogie ng kaibigan ni Ana na mukhang tama ang sinabi mo.

"Pero hindi ko naman na anticipate 'yung bugbugan issue. Kasi syempre ang pagkakakilala natin kay Kit ay napakamaginoo," sabi ni Ogie.

Nabanggit din na pumasok  na rin ang Gabriela Women's Party sa issue bilang suporta kay Ana. Pinabasa naman ni Ogie sa co-host na si Mama Loi ang bahagi ng official statement ng Gabriela,

“We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women nothing can justifies the acts of violence inflicted on women by their partners. This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women,” a portion of the statement read.


Ayon kay Mama Loi may ilang mga netizens na nagsasabi na minsan raw ay ang mga babae ang naunang manakit pero ayon nga sa statement ng Gabriela, nothing can justifies the act of violence inflicted on women by their partners. May mga kaibigan din ni Ana na nagsasabing mahal pa rin daw nito si Kit at posibleng mapatawad pa umano niya ito kung hihingi ng tawad. Hindi naman daw umano naging palaban ang statement ni Jalandoni sa kanyang Instagram post.

"Aha! Hindi kasi galit na galit," sambit ni  Mama Loi.

 Binasa ni Mama Loi ang caption ni Ana sa kanyang Instagram post,

When you love someone you will never ever harm them.


Minahal mo ba talaga?


This is me saying, you all should be careful out there. I can't reply to all of you right now but thank you for checking up on me.

I will release a statement soon.

 

Ayon pa kay Ogie, iyang statement ni Ana ang hihintayin natin. Ayon pa daw sa isang common friend nila na parang natrauma raw ang babae. Hirit pa ni Ogie na ito ay base lamang sa mga nakalap na balita at usap usapan. Ito rin naman daw umano ang report ng mga pulis na may hawak sa kaso na selos ang dahilan kung bakit nasaktan ni Kit si Ana. Paggumaling na si Ana ay maitatanggol na niya ang sarili at masabi kung ano nga ba ang tunay na naganap sa kanilang dalawa. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo