Kris Aquino hindi problema ang financial sa pagpapagamot ng kanyang sakit!

Huwebes, Marso 24, 2022

/ by Lovely


Isa sa krisis na kinakaharap ngayon ni Kris Aquino ay ang lagay sa kanyang kalusugan matatandaang noong 2018 nang ireveal ng Queen of All Media na meron siyang Auto Immune Disease. Ayon sa post ni Kris sa Instagram patuloy ang pagbaba ng kanyang timbang na ngayon ay 88 pounds or 40 kilos na lang. Saad din ng aktres na 42 years old pa lang siya noong 2013 nang malaman niya na meron siyang urticaria at 2015 sa edad na 44 nang sabihin niyang meron na siyang maintenance medication para makontrol ang kanyang hypertension at tuloy tuloy din ang kanyang pagpapagamot sa kanyang severe migraine. Kung tutuusin halos 8 years nang under mmedication si Kris. Matatandaang na nagtungo din si Kris sa Singapore noon para sa isang test na million ang ginastos dahil na din sa mataas na presyo ng hospitalization at hotel na kanilang tinutuluyan.



Sa isang vlog ni Doc. Willie Ong, sinabi niya na mahirap talagang gamutin ang auto immune disease. Ayon sa mga ulat kapag ang auto immune ay blood related ito ay tinatawag na Lupus. Ilan sa nagtitrigger ng auto immune ay stress sa physical at mental health.

Aminado si Kris na kailangan niyang iwasan ang mastress at baguhin ang diet. Ayon din sa mga report karamihan umano sa mga tinatamaan ng auto immune ay mga kababaihan. Dahil sa tuloy tuloy ang medication ni Kris simula noon, marami fans ang nagtatanong kung nauubos na raw ba kaya ang pera nito? Para masustentuhan ang lahat ng gastos. Ayon sa ilang research, kayang kaya ng budget ni Kris ang kanyang medication at lifestyle. Sa dami ng kanyang negosyo kaya rin ng aktres TV host ang magpunta sa America para doon ipagpatuloy ang pagpapagamot.

Si Kris ay mula sa mayamang angkan ng Cojuangco at Aquino. Nagawa din niyang magkaroon ng pangalan sa Showbiz Industry. Sucessful ang kanyang mga pelikula at mga TV shows kaya siya ang tinaguriang Queen of all Media. Isa rin si Kris sa mga nagmamay-ari sa Mexican restaurant na 'Lena Restaurant', business partner niya din ang kaibigang si Boy Abunda sa isang flower shop, naging producer at iba pang ibang income. Ngayong 2022 nasa 12 million dollar ang net worth ni Kris.

Kung iisipin na malaki ang ginagastos ni Kris sa kanyang pagpapagamot kaya niya itong suportahan sa dami ng kanyang yaman at investments. Aminado din si Kris na secure na din ang future ng kanyang mga anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo