Lolit Solis, pinapower trip umano siya ni Bea Alonzo! Galit na Galit!

Huwebes, Marso 24, 2022

/ by Lovely

Matapang na bwineltahan ni Lolit Solis si Bea Alonzo at inakusahan si Bea na umano'y power tripper ito. Nagalit si Lolit Solis kay Bea Alonzo dahil pinatanggal daw ng manager  ni Bea ang kanyang pangalan sa invited guest list sa launching ng bagong product endorsement ng actress. Hindi daw kasi nagustuhan ni Bea Alonzo ang patuloy na birado ni Lolit Solis sa kanya. Ayon sa mga tagasuporta ni Bea Alonzo, simula daw nang lumipat si Bea Alonzo sa kapuso network ay mainit na umano ang dugo ni Lolit Solis dito. Nasapawan daw ni Bea Alonzo ang mga alaga ni Lolit Solis na mga starlet kaya hindi magaganda ang sinasabi niya tungkol kay Bea Alonzo.

Nito lamang mga nakaraang linggo, ay tinawag pa ni Lolit Solis na matanda si Bea Alonzo. Hindi kasi nagustuhan ni Lolit Solis na si Bea Alonzo ang pinili ng GMA Network para bumida sa remake ng Korean Teleseries na 'Start-Up' kung saan makakapareha ni Bea si Alden Richards. Sabi pa ni Lolit Solis na matanda na si Bea Alonzo at hindi bagay sa role.


Nakarating kay Bea Alonzo ang hindi magagandang sinasabi ni Lolit Solis sa kanya kaya naman nito lang mga nakaraang araw ay nirequest daw ni Bea Alonzo na tanggalin ang pangalan ni Lolit Solis sa listahan ng mga imbitadong press media para sa launching ng kanyang bagong product endorsement. Dahil dito mas lalong nagalit si Lolit Solis kay Bea Alonzo. Sa kanyang kamaikailang Instagram post matapang na pinahiya niya si Bea Alonzo at dinamay pa pati ang pangalan nina Gerald Anderson na ex-boyfriend ni Bea Alonzo at si Julia Barretto. Ayon sa post ni Lolit Solis,

Talagang power trip to the highest level ang feeling ni Bea Alonzo nang ipaalis nila ni Shirley Kuan ang name ko sa invited list ng press para sa launch ni Bea Alonzo sa Beautederm ni Rhea Tan. Kahit kay Kris Aquino na anak ng isang hero, Presidente ang mother at kapatid, at pamilya Cojuangco never nag power trip na tulad ni Bea Alonzo. OK lang na ayaw niya ako makita o kausapin, pero sana naman ginalang niya ang may-ari na si Rhea Tan ng Beautederm na magbabayad ng magagastos sa launching. Ok din na ayaw niya sa akin, pero ang isali sila Salve at Gorgy, bonggang power trip na talaga. Feeling super mega star of all season , pinaka influential na puwede mag cancel sa 3 writers pag ayaw niya, wow, salute to Shirley Kuan for giving in sa request ng kanyang pinaka precious na alaga. Bongga ! Sana makatulong ang power ni Bea Alonzo para maging top selling ang product na endorse niya. Sana kung feeling niya maganda siya, maganda din pati ang ugali niya para perfect at hindi magkaruon ng wrinkles sa inis ang kanyang face. Sana mapatunayan niya na better siya kesa kay Julia Barretto para hindi siya na ghosting ni Gerald Anderson. At sana masagot ang naraming SANA sa buhay niya para maging Beautederm siya forever . Bongga 👌#classiclolita #credittotheownner📸


Ayon pa ni Lolit Solis sa sumunod niyang post para kay Bea Alonzo,

Hanga ako sa bait at PR ni Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Alam ko na naging malaking problema sa kanya nang i-request nila Bea Alonzo at Shirley Kuan na ipa cancel tayong 3 nila Gorgy sa presscon ng Beautederm. Siguro nga naloka din si Chuck Gomez dahil ngayon lang siya naka encounter ng endorser nila na nakialam sa listahan ng invited press. Bongga talaga na pagbigyan ang ilusyon ni Bea na very influential at powerful siya, hah hah, at least magkaruon siya ng illusion of grandeur kahit isang araw lang. Sana nga maging highest top rating show ang magawa niya, highest kita sa takilya pag nagkaruon siya ng movie, at maging reyna siya ng istasyon pag pasok niya. Sana nga walang mga secrets sa closet na baka lumabas, or mga bagay na dapat nakatago pero baka bigla bumulaga. Sabagay dapat din siguro na intindihin namin nila Gorgy at Salve na napakasakit para sa isang Bea Alonzo na maghosting ng isang Gerald Anderson, ipagpalit sa mas bata at magandang Julia Barretto. At dahil sa ang bait ni Rhea Tan ng Beautederm, pray parin namin nila Gorgy at Salve na sana maging bongga ang pagsali niya sa mga Beautederm ambassadors. Mabuti na lang at marami naman ang endorsers ng Beautederm, sure kami na iyon karamihan sa kanila will welcome us sa presscon, hindi kami pagpa powertrip, hindi kami pa plastikin dahil mga tutoong tao sila na marunong tumanggap ng constructive na pagpuna sa kanila. Thank you Rhea Tan ng Beautederm. Thank you Chuck. Bea Alonzo is Bea Alonzo, tama ka Shirley Kuan, parang Anna Dizon lang iyan, hah hah hah !!! #classiclolita #credittotheownerofthepic


Nakaturn-off naman ang comment section ng Instagram ni Lolit at tila takot na mabash ng mga supporters ni Bea Alonzo. Sa ngayon ay wala pang phayag si Bea Alonzo tungkol sa patuloy na patutsada sa kanya ni Lolit Solis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo