Ang mga kilalang tao kay tulad na lamang ng boxing champ na si Sen. Manny Pacquiao ay palaging itinuturing na ang mga real estate properties ay good investments dahil sa kanilang potential for high values. Ito ang dahilan kung bakit nagpasya ang ilan sa mga stars at mga influencers ng bansa na mag invest sa mga house and lots sa mga premium locations sa loob at labas ng Metro, Manila. Paglipas ng ilang taon, nagpapasya ang ilan na ibenta ang mga ito.
Nagtrending sa social media ang pagbebenta ni Sen. Manny Pacquiao sa nasabing house and lot nito, ang kanyang mansion. Nagkakahalaga ito na aabot ng Php. 2.3 billion. Hindi naman binanggit ang rason ng pagbebenta. Ngunit hinuha ng mga netizens, na gagamitin ng Sen. ang pera sa kanyang pangangampanya. Bulong bulongan ng mga netizens noon, na baka raw ay nag-uumpisa nang mauubusan ng pera ni Manny Pacquiao. Alam naman ng lahat na hindi basta basta ang paggastos lalo na't pinakamatataas na posissyon ang kanyang tatakbuhan bilang kandidato. Binalaan na umano dati ng kanyang ina si Manny na huwag nang tumakbo dahil mauubos lang ang pera niya. Sa kabila nito, sinunod pa rin ni Pacquiao ang kanyang kagustuhang tumakbo bilang Presidente ng bansa. Dagdag pa ni Mommy D, 'kung bukal sa puso ni Manny Pacman na tumulong sa mga Pilipino di na kinakailangan na maging president na tumulong sa ibang tao.' Tama na umano at sapat na siguro sa kanyang sarili ang maging isang senador. Ika nga, ang pangarap lang daw naman ni Manny Pacquiao dati ay maging isang sikat na boksingero at natupad naman ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!