Aminado si Mayor Joy Belmonte na isa siya sa nagdamdam sa pagsasara ng ABSCBN noong 2020. Iniisip niya umano ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Nabanggit din niya na maayos umano na magbayad ng buwis ang ABSCBN na siyang nakatulong umano sa kanilang lungsod. Marami sa mga nawalan ng trabaho sa nasabing network ang nabigyan naman ng trabaho ni Mayor Joy sa Quezon City. Matatandaang hindi na muling nabigyan pa ng prangkisa ang ABSCBN dalawang taon na ang nakakalipas.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz inilahad ni Mayor Joy ang kanyang saloobin dahil maraming mga artista at empleyado ang naapektuhan dahil dito.
"Una, kasi dinamdam ko ang pagsasara ng ABSCBN because ABSCBN is in Quezon City. I gave my statement of support because ABSCBN pays their taxes well. Malaki ang natutulong ng buwis na nagmumula sa ABSCBN sa mga mamamayan ng lungsod namin. Marami sa mga empleyado sa ABSCBN ay mula sa Quezon City at sila ay mga bread winners sa kanikanilang pamilya. And I felt really bad about that actually," paliwanag ng Alkalde.
Dahil dito ilan sa mga nawalan ng trabaho ay nabigyan niya ng trabaho sa Quezon City. Dagdag pa ni Mayor Belmonte 'yung iba umano mas inuna ang pagpapasara ng ABSCBN. Hindi niya binanggit ang pangalan ngunit malinaw na tinutukoy niya si ANAKALUSUGAN party list representative Michael "Mike" Defensor na kabilang sa mga bumoto para tanggihan ang pagrenew ng prangkisa ng ABSCBN noong July 2020. Pagpapatuloy pa ni Belmonte,
"Ni hindi mo inisip kung paano na ang pang-aral at pangkain ng mga anak ng mga empleyado ng ABSCBN."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!