Matatandaang sa ilang linggo nakalipas na hindi maganda ang mga inilalabas na balita patungkol sa kasalukuyang health condition ni Kris Aquino at sa lumalalang sakit nito.
May mga ilan pang mga naglalabasang balita na hindi maganda, na tuluyan na raw lumisan si Kris ngunit iyan ay hindi totoo.
Sa kanyang latest social media update para sa kanyang mga followers ay malugod na ibinalita ni Kris na naging matagumpay ang kanyang unang dose ng kanyang injection at very proud siya na kinaya niya ito.
Na nangangahulugan na itutuloy niya ang 2nd dose na ito sa darating na March 13. Kapag sinwerte siyang walang mangyare kahit anong problema ay finally makakalipad na siya patungong ibang bansa para tuluyan na matugunan ang pagpapagamot sa kanya auto-immune disease at ang iba pang mahahalagang problema niya sa kalusugan. Si Kris na rin mismo ang nagbigay ng update tungkol sa kanyang napakababang timbang sa kasalukuyan. Aniya ang weight niya ngayon ay 85 pounce o 38.5 kilograms na lamang. Sa kabila ng kaliwa't kanang pangungutya at pambabatikos ng ilan kay Kris Aquino ay puno pa rin ito ng papasalamat sa mga naging parte ng kanyang pagpapagaling at umaasa itong sa mas maiging life journey niya sa hinaharap.
Sa comment section mapapansing ilang celebrities ang agad na nagreact sa magandang balita ni Kris. Gaya nina Angeline Quinto, Darla, Neil Arce at Angel Locsin.
Matatandaang taong 2018, nang i-reveal ni Kris Aquino na siya ay nadiagnose na may auto-immune disease. Matapos nito ay sunod-sunod pa na nadiagnose si Kris ng iba't ibang uri pa ng sakit. Mula noon ay patuloy pa sa paglala ang kanyang karamdaman at tuluyan na rin siyang nawala sa limelight at hindi na napanood pa sa kahit anong tv network.
Nitong February 23, 2022 ay masayang ibinahagi ni Kris kahit ngayon na payat na payat ang kanyang katawan ay mas mabuting magfucos na lang on whats good. Ani Kris,
"Cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver funtion is okay considering all young maintenance med ko."
Mula noon ay mas maaliwalas na ang mukha ni Kris at tila on-road to recovery na nga ito. Kaya naman ngayon ay na survive niya at kinaya ang 1st dose injection na maituturing na 1st steps patungo sa kanyang paggaling ay marami ang nagpahayag ng kagalakan sa pangyayari.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!