Mga shocking revelation na inamin ng mga Pinoy Celebrities!

Biyernes, Marso 18, 2022

/ by Lovely



Narito ang mga celebrities na napabalitang may shocking revelation sa mundo ng showbiz dito sa Pilipinas!

    8. Vice Ganda


Kilala si Vice Ganda bilang isa sa mahuhusay na komedyante ng bansa. Marami man ang nagagalit sa pagkaprangka nito o sa mga nakaka offend na biro na ginagamit sa pagpapatawa niya. Hindi naman maikakaila na hinahangaan ito ng madlang pipol. Dumaan din naman ito sa mga heartaches at heart breaks sa kanyang buhay pag-ibig. May ilang napabalita at may ilan din na itinago ang kanilang pagkatao. Subalit sabi nga ng ilan, kung para sa iyo darating sa iyo. May dumating na nga na taong seseryoso sa binansagang 'The Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Ang taong dumating sa buhay ni Vice Ganda at nagpakita ng magandang intention at seryosong pagmamahal sa kanya ay ang kasama nito sa It's Showtime na si Ion Perez. Kung sa una'y puro tukso lamang ang nagaganap sa kanila sa show ginulat nila ang lahat nang aminin nila na may relasyon sila. Malaki rin ang pasasalamat ni Vice kay Aga Muhlach dahil ito ang naging instrumento na sila ay magkakakilala. Nasa audience sa GGV si Ion nang kunin ito ni Aga Muhlach at ipakilala kay Vice. Ngayon may mas nakakagulat na rebelasyon na ipinalabas nila, na sila ay ikinasal na.

    7. Gerald Anderson


Ang kwento ng pag-ibig ng aktor na si Gerald Anderson na yata ang isa sa pinakamalaki at pinakanakakagulat na rebelasyon sa mundo ng showbiz. Ito ay dahil  sa third party involved at ang masakit sa lahat ay hindi ito nagparamdam sa karelasyon niya noon. Dito sumikat ang salitang ghosting dahil sa ginawa umano nito sa kanyang ex. Ang mas nakakagulat pa ay ang pagkasali ng aktres na si Julia Barretto na nakasama niya sa pelikulang 'Between Maybes'. Maraming mga haka hakang lumabas kaugnay na isyung ito, may nagsabing nahuli umano ni Bea si Gerald kasama si Julia sa isang party ng kaibigan. Bago pa umano lumabas ang balita nagsimula nang magkalabuan sina Bea at Gerald at naghiwalay na umano ang mga ito. Para maibsan umano ang sakit pinili na lamang daw ni Gerald ang lumayo.

    6. Catriona Gray


Marami ang kinilig at nagtatanong noon, totoo ba na may relasyon sila ng aktor na si Sam Milby. Hindi man nila kaagad isiniwalat ang kanilang relasyon. Noong May 2020 sa kalagitnaan ng pandemya ginulat nila ang lahat. Masayang inamin ni Sam sa mismong araw ng kanyang birthday na girlfriend na niya si Catriona. Marami ang nagulat nang inanunsyo ni Sam ang tunay nilang relasyon.

    5. Sarah Geronimo


Isa ang kwento ng buhay pag-ibig  ni Sarah ang gumulat sa mundo ng showbiz. Marami ang nagsasabi na nasa tamang edad na ito upang malaman kung tama ba ang pinasok nitong relasyon. Naging magulo ang sitwasyon nila noon dahil sa nakakagulat na paratang ng ina ng 'Popstar Royalty' na si Mommy Divine at sa hindi nito pagsang-ayon sa relasyon nina Sarah at Mateo. Naging laman nang balita sina Sarah at Mateo noon dahil sa kabila nang kanilang 6 years na relasyon hindi pa rin ito matanggap ng ina ni Sarah. Lumabas din noon ang nakakagulat na balita na upang makaiwas sa paghihigpit ng ina ay nakipagtanan si Sarah kay Mateo. Buwan ng Pebrero taong 2020 ginulat muli ni Sarah ang publiko nang lumabas ang balitang kasal na ito kay Mateo.

    4. Andi Eigenman


Ang hindi inaasahang pagbubuntis ng aktres sa showbiz ay madalas na paguusapan lalo na kung hindi pinalalabas ang taong karelasyon nito. Naging magulo ang kwento sa kung sino ang tunay na ama ng pinagbubuntis ng aktres na si Andi Eigenman dahil may mga nadamay na hindi naman dapat kasali. Nang aminin kasi ni Andi na siya ay nagdadalang tao marami ang nagtanong kung sino ang ama nito. Hindi ito pinangalanan ng aktres, napasali na lamang ang pangalan ng baguhang aktor na si Albie Casino at ito ang tinutukoy na ama ng dinadala noon ni Andi. Subalit matindi ang pagtanggi nito. May mga usap usapan din na ang ama ng pinagbubuntis ni Andi ay ang isang anak ng dating Pangulo Erap Estrada. Sa huli inamin naman ni Andi na ang tunay ng kanyang anak ay si Jake Ejercito.

    3. Rustom Padilla aka BB Gandanghari


Isang matinee idol turned action star ang pagkakakilala sa nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla. Mas kinakiligan ito nang malaman ng publiko na may relasyon sila noon ng aktres na si Carmina Villaroel. Tinutukan halos ng buong bansa nang may inamin si Rustom tungkol sa kanyang pagkatao sa PBB. Nang aminin ni Rustom na siya ay isang gay, hindi siya hinusgahan ng kaibigan niyang si Keanna Reeves bagkus ay sinuportahan nito ang kanyang tunay na pagkatao. Marami ang nagulat sa pag-amin na ito maging ang pamilya ni Rustom.

    2. Janella Salvador

Naging usap usapan din noon ang aktres na si Janella Salvador. Una ay ang pag-amin nila ni Markus Paterson sa kanilang relasyon na itinago rin nila. Naging usapan rin ang na nagdadalang tao na ang aktres dahil sa pagsama nito kay Markus sa England. Muling ginulat nila ang publiko nang ipinaalam nila na mayroon na silang anak.

    1. Marjorie Barretto


Nasangkot sa maraming intriga at chismis ang pamilya Barretto. Mas maugong naman ang chismis ng dating aktres at konsehal ng Caloocan City na si Marjorie Barretto at dating Mayor ng Caloocan na si Recom Echiverri walang pag-amin tungkol sa kanilang tunay na relasyon hanggang sa sumabog na ang alitan sa mga Barretto sisters. Nagkaroon nang mas malaking lamat ang relasyon nina Marjorie, Gretchen at Claudine dahil sa isang pangyayari noon na tinutukan ng publiko ito ay naganap pa mismo sa burol ng namayapa nilang ama na si Miguel Barretto. Sa nangyaring insidente nagkalabasan ng mga tunay na hinanakit ang magkapatid pati na rin ang mga sekreto nila na dapat pamilya lamang ang nakakaalam. Sa isang interview kay Marjorie inamin nito na ang ama ng kanyang bunsong anak na si Erich ay walang iba kundi ang dating mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri. Inamin ni Marjorie na naging marupok siya at nahulog ang loob sa isang pamilyadong tao.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo