MOST EXPENSIVE na MANSION ng mga CELEBRITIES sa MUNDO NG SHOWBIZ

Biyernes, Marso 4, 2022

/ by Lovely

Most expensive celebrity mansions in Philippine Showbiz.

    15. John Lloyd Cruz


Isang French-Mediterranean inspired ang naging disenyo ng ipinatayong bahay ng magaling na actor na si John Lloyd Cruz. Nagustuhan kasi nito ang mga bahay sa Los Angeles, California kaya naman naisipan niyang ipagaya ito. 1100 square meters ang sukat ng property nito sa Antipolo. Sinasabi ring ang mga gamit sa loob ng kanyang powder room ay nagkakahalagang 35 thousand pesos para sa isang flash at ang urinal naman ay 7500 pesos. Mayroon din itong 4 ft. pond na puno ng Koi fishes at swimming pool. Ang guest house naman sa loob ng mansion ay 80 square meters ang sukat.

    14. Slater Young


Isang modern mansion naman ang naisipang ipatayo ni PBB big winner Slater Young para sa kanyang pamilya sa Cebu. Si Slater mismo ang nagdisenyo ng kanilang bahay dahil siya ay isang engineer. Isang minimalist na may hint ng industrial vibe ang temang nais ni Slater at ng asawang si Cris para sa kanilang bahay. Ang bahay ay napapalibutan ng glass doors kung saan makikita ang pagiging moderno ng disenyo. Ayon kay Slater, umabot sa siyam na buwan ang paggawa dito sa halip na pito lamang dahil sa hindi inaasahang pagkaantala. Expose bricks, wood at black steel ang nangingibabaw na detalye sa harapan ng kanilang bahay. Matatagpuan naman sa kanilang pathway ang swimming pool. Ang kitchen nila ay may slick finish black cabinets. Silver appliances at white marbles naman ang detalyeng napili nila sa counter top at kitchen island.

    13. Dingdong Dantes


Modern Asian look naman ang naging disenyo ng penthouse ng actor na si Dingdong Dantes. Nakatira ito sa isang low-rise building na itinayo ng kanyang lolo na si Enrique Gonzales. Kung saan ang 300 square meters ay ipinagawa niyang bachelor's pod niya. Dahil sa kakaibang disenyo ng bahay mapapagkamalan itong na isang Lodgery Asian resort. Isang custom mid door naman ang ipinagawa ni Dingdong Dantes sa sculpture na si Agi Pagkatipunan, kung saan mayroon itong initials na DD na matatagpuan sa entrance ng kanyang bahay. May mini bar ding makikita sa loob ng bahay. Tikom naman ang bibig ng misis ni Dingdong na si Marian Rivera tungkol sa ipinapatayo nilang dream house para sa kanilang pamilya.

    12. Pokwang


Ang komedyanteng si Pokwang ay nakapagpatayo naman ng isang modern 4 story house para sa kanyang pamilya sa Antipolo. Nagsimula noong 2010 ang constructions ng nasabing bahay. Taong 2012, nang magpa-unlak ito na ipakita sa publiko ang bunga ng kanyang pagsusumikap. Sa kanyang sala ay makikita ang high ceiling at napakagandang chandelier na nagbibigay liwanag sa loob ng bahay. Ipinagmamalaki rin ni Pokwang ang kanyang kitchen kung saan madalas siyang makikita pati na rin ang kanyang anak dahil sa mahilig silang magluto. Ang bahay na ipinatayo ni Pokwang ay mayroong dalawang walk in closets na matatagpuan sa tabi ng kwarto ng anak nitong si Ney at sa loob ng kwarto ng komedyante.

    11. Doug and Cheska Kramer


Taong 2019 nang lumipat ang pamilya Kramer sa kanilang bagong bahay na mansion ang itsura. Ang nasabing bahay ay may home theater kung saan inabot ng dalawang taon ang pagconceptualize ni Doug. May classroom din na ipinatayo ang mag-asawa para sa kanilang mga anak na simula noon ay homeschool na. 

Makikita rin sa loob ng bahay ang mini-gym ni Doug na tanaw ang pool, na may overlook ng kalikasan. Sa 2nd floor naman matatagpuan ang kanilang family room, pati na rin ang kwarto ng mga bata. Isang napakalaking walk in closet ang kanilang ipinagawa para sa kanilang mga gamit. Ang isa pang ipinagmamalaki ng pamilya Kramer sa kanilang bahay ay ang basement slash game room nila. May makikita ring slide sa loob ng play room ng mga bata. 

    10. Sharon Cuneta


 

Real state ang investment ni Mega star Sharon Cuneta kaya naman marami itong properties na pagmamay-ari. Bunga na rin sa paghihirap sa trabaho bilang isang singer at artista. 

Isa na rito, ang bahay niya sa Mandaluyong kung saan may makikitang grand stairs at elevator. Tatlo ang living areas ng bahay kung saan ang isa ay para lamang sa mga guest at mga kaibigan. 

Ang disenyo ng kitchen sa bahay ay maihahalintulad sa isang hotel. Mayroon din itong outdoor lunch area kung saan makikita ang swimming pool. 

Sa ngayon, may bagong ipinapatayong bahay si Sharon kung saan ang magiging highlight nito ay ang modern dog house para sa mga alagang aso ng actress. Magkakaroon din ito ng playground at grooming area para sa kanyang mga pets. 

    9. Derek Ramsay 


Ang actor na si Derek Ramsay ay nagpaunlak na ipakita sa publiko ang kanyang naipundar na bahay. 

March 2020, lumipat si Derek sa mansion nito sa isang exclusive subdivision sa Alabang. Isang modern 3 story house ang kanyang ipinatayo para sa kanyang magiging pamilya. 

Ang hawakan ng pinto sa kanyang main door ay ginawa ng Filipino artist na si Jinggoy Buensosiso. Ang black sofa na makikita sa living area ng actor ay mula sa Zaha Hadid na isang international  architectural firm. 

Ang kitchen naman nito ay dinisenyong leading Italian furniture firm na poly form. Ang pool ay makikita sa pathway ng bahay, mayroon din itong elevator, walk in closet at basement parking, kung saan naka lagay ang mga mamahaling sasakyan ni Derek at ng anak na si Austin. 

    8. Ellen Adarna


Ang actress na si Ellen Adarna ay sinasabing nanirahan sa isang 1930's apartment sa Maynila kung saan may nakabibighaning tanawin ng Manila Bay. Ipinakita ni Ellen ang litrato ng apartment bago ang renovation na may malaking floor area. Ang overall ambiance ng bahay ay katulad sa mga vintage films. Ang actress at UP Diliman educated interior designer na si Alma Concepcion ang gumawa ng locks at glamorous living area ni Ellen. Mayroon din itong bahay sa Ayala, Alabang. Kung saan, kapitbahay niya ang actor at fiancee na si Derek Ramsay.

Sa isang IG story naman ng actress makikita ang post nito na isang malawak na lugar na may view ng dagat.

    7. Coco Martin


Isang mansion naman ang pinatayo ng actor na si Coco Martin sa Quezon City na may lawak na 2000 square meters. Tropical inspired dream home ang naisipang ipatayo ni Coco para na rin sa kanyang lola. Inabot ng tatlong taon si Coco para maipatayo ang nasabing bahay dahil kinailangan pa niyang bilhin ang katabing lote. Ang main door ng bahay ay artwork ng national artist na si Abdulmari Asia Imao. 

Ang living area naman ay mala-hotel ang ambiance mayroon din itong open kitchen, bar area, home theater at malaking veranda.

Ang pool naman ay para sa kanyang mga pamangkin. May mini garden din ang bahay kung saan makikita ang mga tanim na gulay ng actor.

    6. Bea Alonzo


Bukod sa kanilang farm sa Zambales na ipinatayo niya para sa kanyang ina. Nakapagpatayo rin si Bea ng isang malaking bahay na kanyang tinitirhan sa Quezon City. Ang laki ng nasabing bahay ay 600 square meters at 3 story ang taas nito. Dahil sa matagal itong nanirahan sa isang condo, ginusto ng actress na magkaroon ng malawak na space sa kanyang bahay. Sa living area makikita ang isang grand baby piano necklace type chandeliers at abstract painting ng national artist na si Alturo Luz. Ang powder room ng bahay ay may gold mosaic tiles. Ang bahay ni Bea ay mayroon din home office, entertainment room, walk in closet, sauna at pool.

    5. Ivana Alawi


Ang baguhang actress na si Ivana Alawi ay ipinakita sa publiko ang kanyang malamansiong bahay sa Bahrain na ipinamana sa kanya ng yumaong ama. Mula pagkabata ay dito na sila lumaki ng kanyang mga kapatid. Dalawa ang living room ng bahay ni Ivana. Ang ikalawa ay pang-social dahil sa 4 full sets with gold accents. Mayroon ding bahay sa America sina Ivana. Kamakailan lamang ay ipinakita nito ang pagbili ng lupa para sa kanyang pamilya. Kasabay ng lupa para sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.

    4. Kris Aquino


Matapos manirahan ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa condo sa loob ng mahabang panahon nakabili ito ng isang 3 story house sa Quezon City. Ang nasabing bahay ay mayroong enchanting garden, open spaces at investment furniture pieces. Inabot naman ng tatlong buwan ang renovations sa nasabing lugar. Ang living area ay may country vibe feel at ang dining area naman ay makikitaan ng magandang chandelier. Ang bahay ni Kris ay mayroong make up room, walk in closets, storage room at garden area. Sa ngayon balitang nakahanap na ng bahay na malilipatan ang pamilya ni Kris. Malapit sa panganay na si Josh at para na rin sa ikabubuti ng kalusugan ng TV host.

    3. Vice Ganda


Nagpa-unlak naman ang komedyanteng si Vice Ganda na ipakita sa publiko ang kanyang fully furnish industrial style home sa kanyang vlog. Halos tatlong taon din ang hinintay ni Vice para matapos ang construction ng kanyang mansion. 1300 meters ang lawak ng kanyang bagong bahay, kaya naman namangha ang mga fans niya dito. Sa sala makikita ang isang malaking black lamp na hugis kabayo na ipinasadya niyang ipagawa at ang vertical couch na agaw pansin. Mayroon din itong entertainment room na nagsisilbing home office at ang dining room ay tanaw ang swimming pool. Mayroon ding elavator ang nasabing bahay.

    2. Vic Sotto & Pauleen Luna


Ang actress na si Pauleen Luna ay sinabing ang kanilang 2 story house ay nagmumukang buhay sa gabi. Ang asawang si Vic Sotto ay ibinigay sa kanya ang pamamahala para sa pagpapatayo nito. Ang bahay ay nag ha-highlight ng pinaghalong modern, Asian at tropical elements. Sa loob naman ng bahay ay makikita ang iba't-ibang likha ng national artist na si Arturo Luz, kung saan halos 30 paintings ang pagmamay-ari ni Vic. Dalawa naman ang guest room ng bahay, may lanai, veranda, at swimming pool. Walang gate ang harap ng bahay para ma-highlight naman ang ganda ng structure nito.

    1. Manny and Jinkee Pacquiao


Maliban sa contemporary house sa General Santos City. Mayroon din silang tropical house sa Forbes Park. Itinatampok ng disenyo ang pambihirang paggamit ng wood, stone at glass na makikita sa mataas na sliding doors at malalaking bintana. Ang makakapasok sa bahay ng mga Pacquiao ay aakalaing nasa isang bakasyon sila.

Para sa lumalaking pamilya, makikita sa bahay ang apat na bedroom, mala-hotel na banyo at veranda na may magandang view. Ang kitchen naman ang isa sa mga paboritong lugar ni Jinkee dahil mamahaling mga appliances na kanilang inilagay dito. Makikita rin sa bahay nila ang opisina ni Manny at magkahiwalay na banyo at walk in closets ng mag-asawa.

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo