Mygz Molino 40Days Movie, successful sa premiere night nito! Ogie Diaz, namangha!

Biyernes, Marso 4, 2022

/ by Lovely



Naging usap-usapan na naman ngayon sa mga fan page, ang pagpuri ni Ogie Diaz kay Mygz Molino.

Marami ding mga MahMygz fans ang nag-abot ng kani-kanilang mga taos-pusong pagbati sa kanilang nag-iisang Bunso Mygz Molino.

Dahil sa napaka successful ng premier night sa kanyang movie na '40Days', pinasasalamatan din ni Bunso Mygz Molino ang lahat na patuloy na sumusuporta sa kanya.


Sa naganap na premiere night ay dinumog si Mygz Molino, pati nga si Ogie Diaz ay namangha dahil sa napakadaming fans ni Bunso Mygz Molino na dumagsa para lang makita sa personal ang kanilang idolo.

Dito nasabi ni Ogie Diaz na talaga nga na maraming nagmamahal kay Mygz Molino. Makikita sa video na marami sa mga tagahanga niya ang gustong magpapicture at mayakap siya. Samantala, marami ang natuwa at masaya para kay Mygz Molino nang pinuri ito ng isang sikat na manager na si Ogie Diaz.


Sa hindi pa nakakaalam, madami ang napasikat nitong si Ogie Diaz na mga artista. Isa na dito sina Vice Ganda at Liza Soberano. Pinuri din ni Ogie si Mygz na isa sa mga magagaling na actor sa panahon ngayon.

Ayon naman sa mga MahMygz supporters ni Mygz, isa itong malaking opportunity para kay Bunso Mygz. Na nagbibigay sa kanya ng malaking break na maaring sumikat sa industrya ng pag-arte.


Watch Full Video Here:



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo