Masayang masaya ang puso ni Nadine Lustre ngayon sa winter wonderland escapade kasama ang boyfriend niyang si Christophe Bariou. May napansin ang ilang mga netizens ngayon na kakaiba sa aktres.
Halatang nagenjoy si Nadine Lustre sa Winter Wonderland escapade sa France kasama na rumored boyfriend na si Christophe Bariou. Inihayag ng aktres ang kanyang out of country travel sa pamamagitan ng social media post na nagpapakita na sila ni Christophe ay magkatabing nakasakay sa ski lift. Ito ay makikita sa kanyang IG story noong March 14. Bukod sa ski adventure ay tila na enjoy din nila ang cheese corn dough. Makikita ito sa kanyang stories noong March 15. Bukod sa kasiyahan na makikita sa aura ni Nadine ngayon, marami rin ang nakapansin sa pagbabago ng kanyang itsura ngayong sila na ni Christophe ang laging magkasama. Mas nagmukhang matured na daw si Nadine, sabi ng mga netizens. Mas gusto ng mga fans ang paglutang ng kanyang morena beauty. Ngayon ay hindi masyado itong natatakpan ng make up. Kitang kita din sa aura ni Nadine na masaya siya ngayon sa piling ni Christophe lalo na at ipinakilala na siya sa pamilya nito. Bukod sa mas lumutang na ganda ni Nadine ngayon kakakitaan din ang kanyang aura ng peace at happiness. Sa kabila nang ilang beses na silang nakikitang magkasama ay hindi pa rin kinukumpirma ni Nadine kung tunay na nga ba niyang boyfriend si Christophe.
Matatandaang earlier this year, ipinakita ni Nadine ang picture nila ni Christophe na may hawak na glass of champagne. Nagsimula ang mga haka haka tungkol sa new found love ni Nadine matapos itong makita kasama ni Christophe sa Siargao noong nakaraang taon at nakitang magkaholding hands sila noong October last year. Spotted naman si Christophe na bumisita at nakasama ang mga magulang ni Nadine noong November last year.
Samantala inihayag naman ni Nadine sa kanyag recent interview na ayaw na niyang magkaroon ng kalove team dahil tapos na daw siya sa love team phase. Ang inaabangan daw niya ay mga projects sa labas ng mga tambalan. Marami namang sumangayon na hindi na kailangan ni Nadine ng love team na nagdadagdag pa umano ng pressure sa akres. Mas nagugustuhan ng mga netizens ang natural peace at happiness na makikita ngayon sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!