Nagsalita na si Sunshine Cruz tungkol sa issue na buntis umano ang kanyang anak!

Miyerkules, Marso 16, 2022

/ by Lovely


Hindi maiiwasang mamangha ng mga netizens sa tuwing nakikita ang mga post ni Sunshine Cruz sa social  media kasama ang kanyang naggagandahang mga anak. Madalas na sinasabi ng mga netizens na parang magkakapatid lamang sila kung magkakasama. Talaga namang young looking at young at heart si Sunshine Cruz at makikita naman na namana ito ng kanyang mga anak. Ilan sa kanyang mga anak ay pumasok na ngayon sa showbiz at nakilala agad sa natural na ganda nito.


Maingay ngayon sa mundo ng showbiz ang anak  ni Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Sam Cruz Montano. Bukod sa taglay nitong kagandahan na napag-uusapan, naging trending ngayon ang latest instagram post ni Sunshine kasama ang dalawang anak, isa sa mga ito ay si Sam.

Naging trending ang pangalan ni Sam nang mapansin ng ilang mga netizens na tila may baby bump daw ito. Ito ang pinagmulan ng isyung buntis na ito. Napansin naman  ni Sunshine ang mga komentong ito kaya hindi niya napigilan ng aktres na sumagot sa mga komentong ito para sa kanyang anak.


Ayon sa komento ng isang netizen, kahit na magkakaapo na itong si Sunshine ay nananatiling blooming pa rin ang actress. Sinagot naman ito ni Sunshine ani niya,

"Tigilan na sana yung pagiging marites o yung mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon."

Sa isa pang social media post, sinabi ng actress na, 'huwag namang madaliin ng  mga netizens na gawin siyang lola agad'. Lalo na't alam na alam niya na wala pa ito sa isip ng kanyang mga anak. Sana din umano na maging sensetive sa pagkokomento ang ilan. Lalo na kung hindi naman totoo ang kanilang mga komento tungkol sa isang tao. Base nga dito, kinumpira ni Sunshine Cruz na walang katotohanan na buntis ang kanyang anak at hindi totoo ang kumakalat na balita na magkakaroon na siya ng apo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo