Ogie Diaz, ibinulgar ang lagay ng pagkakaibigan ni Francine Diaz at Andrea Brillantes

Lunes, Marso 7, 2022

/ by Lovely



Francine Diaz at Andrea Brillantes nagpaplastikan na lang?

Naikwento ni Ogie Diaz ang sinabi ng kanyang source tungkol sa kung ano ba talaga ang lagay ng pagkakaibigan ngayon nina Francine at Andrea? Ayon sa source ni Ogie hindi daw close sina Andrea at Francine. Nagpaplastikan na lang daw sila.

"May nagsasabi lang naman sa akin kung paanong mayroon ding isang source na nagtatangol sa friendship ng dalawa. Ang isa naman ay talaga raw na totoong nagpaplastikan nalang ang dalawa", sabi ni Ogie.



May nagsasabi naman na dahil daw kay Seth kaya nag-aaway ang mga fans ni Andrea at Francine. Paglilinaw pa ni Ogie na may nagkwento daw sa kanya mas mabait daw si Francine kaysa kay Andrea.

"May nagsabi din naman sa akin na mabait daw si Andrea pero mas mabait si Francine. Sorry ha iyon ang sabi ng source na malapit sa dalawa", kwento ni Ogie.



Ayon naman sa talent manager, wala siyang masasabi lalo't hindi pa naman niya nakakatrabaho ang dalawang young actress.

Matatandaang ilang fans ang kumwestiyon kung bakit hindi nakadalaw sina Andrea, Seth at Kyle Echarri sa debut ni Francine. Simpleng conflict sa schedule lang umano ang dahilan ng hindi pagpunta nila. Imbitado naman daw ang gold squad sa debut ni Francine.




Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo