Hindi pinalampas ni Rayver Cruz ang intimate concert ng Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na 'Limitless Live' noong linggo kahit pa injured ito. Nagkafracture si Rayver habang nagwowork out kaya naman naka leg brace at nakatungkod siya.
Overload sa kilig ang mga fans nang muli silang mapanood na magperform live imbes kasi na dance number, nagduet na lamang sina Julie Anne at Rayver ng isang acoustic performance ng BTS and cold play song. Ayon sa isang panayam kay Julie Anne San Jose,
"First time naming, nagprod ni Ray na kumakanta habang nagiguitar. Thankful rin ako for Ray dahil nagperform siya with me and he also appeared. It really meant a lot to me."
Ayon naman kay Rayver Cruz,
"Atleat nakita ng tao na nakakatugtug din ako ng gitara di ba. Actually si Julie also ang nagpush sa akin na gawin. So first time ko, kinakabahan ako pero kaya ko naman kasi pag nandyan naman si Juls kaya ko."
Mapapanood ito sa kanyang last league ng kanyang concert series ang Rise: The Limitless The Musical Trilogy na available via streaming sa mga ticket holders sa April 9 and 10.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!