Martes March 22, 2022 opisyal nang inidorso ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang kandidatura ni candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Sa kanilang ipinalabas na pahayag ipinaliwanag ng PDP-Laban na si Bongbong Marcos ang nakatanggap ng pinakamaraming endorsement mula sa mga local councils ng kanilang partido. Ipinahayag din nila na si Bongbong Marcos daw ang nakita nilang mayroong plataporma na pareho ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangyari sa bansa. Dahil dito, opisyal na na inindorso ng PDP-Laban ang tambalan nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pagka bise presidente.
Ayon sa mga ulat, ikinagulat ng maraming mga netizens ang desisyon ng PDP-Laban dahil noong mga nakaraang buwan ay binatikos pa ng pangulong Rodrigo Duterte si Bongbong Marcos at tinawag itong weak leader. Pahayag ni Pangulong Duterte noon,
"Hindi ako bilib, he is a weak leader. Totoo yan hindi ako naninira. Kasi spoiled child only son. He is a weak leader totoo yan. Bantay kayo baka magkamali ang Pilipinas."
Ngunit sinabi ito ng Pangulo noong tumtakbo pa ang kanyang pambato na si Sen. Bong Go sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Hindi naman malaman kung nagbago na nga ba ang isip ng Pangulo kaya hinayaan niya na ang PDP-Laban na iindorso si Bonbong Marcos. Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Uniteam sa indorsong natanggap nila mula sa ruling party.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!