Rabiya Mateo at Jeric Gonzales kumpirmadong in a relationship na!

Biyernes, Marso 18, 2022

/ by Lovely



Sabi nila tila may sumpa umanong dala ang 2020's dahil sa sunod sunod na hiwalayan ng mga sikat at bigateng artista sa Pilipinas ngunit sakabila nito hindi nagpatinag ang dalawang lovers na ito. 

Matatatandaang noon pang nakaraang taon usap usapan na ng mga netizens na tila may pagtatangi sa isa't isa sina Rabiya at Jeric. Namataan kasi silang magkasamang namamasyal sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa sa Laguna at nakita rin umano silang nagpunta sa beach. Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng 'Wish Ko Lang' isang kapuso drama weekly anthology noong November 2021.



Mukhang iyon ang nagbukas ng pinto upang magkalapit ang dalawa. Maliban sa proyektong iyon, wala silang trabaho na magkasama dahil may kanya kanya silang pinagkakaabalahang TV projects sa kapuso network.

Matatandaan na noon pa lang February 2022 nagpahiwatig na si Rabiya tungkol sa namumuong magandang pagtitinginan nila ni Jeric. Nang magguest si Rabiya sa isang talk show inamin niyang masaya siya.

"Basta masaya ako 'yun lang muna kasi ayaw ko namang magsalita na too early pa. What they do know, they can't ruin the power in our privacy. 'Yun na nga ang na learn ko sa mga nangyari sa akin in the past. Especially I was very open with my relationship status."

Hindi kaila sa publiko nang sumali si Rabiya sa Miss Universe Philippines ay inamin niya na may long time non-showbiz boyfriend siya pero noong May 2021 natuldokan na ang pitong taong relasyon nila. Ayon pa kay Rabiya,

"Ayaw ko nang mangyari iyon kasi marami ring masasaktan, marami ring opinyon na hindi totoo. I don't want to put myself in the stress level ulit."

Biglang may netizen na nanood at humirit ng #jrevealonfeb14 napatili si Rabiya nang usisahin itong si "J" sa kanyang buhay. Hindi man tahasang binanggit ang buong pangalan ng sinabing "J" malinaw na si Jeric Gonzales umano ito dahil noong December 2021 ay nalilink na sila. Ayon sa kanya,

"Hoy, Oh my God! Iinom lang ako ng tubig," natatawang bulalas ni Rabiya sabay sabi niyang.

"Dito ako laging napapahamak. I cannot lie. Hindi pa ako showbiz sumagot."

Sa kanyang mga sumunod na salita tila nagpapahiwatig siya na nasa getting to know stage sila ni J kaya ayaw pa niyang pangunahan ang mga bagay bagay. 

"Siguro yun din ang 'yung peace of mind na gusto kung ibigay kung sino man siya. Kasi kinikilala pa namin ang isa't isa."

Samantala confirm na, na in a relationship na ang Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kapuso actor na si Jeric Gonzales. Si Rabiya ay 25 years old na habang 29 years old naman si Jeric. Pasabog ang kumpirmasyon ni Rabiya sa relasyon nila ni Jeric base na rin sa Instagram post ng beauty queen turned actress noong March 16, 2022. Ipinakita ni Rabiya ang mga sweet moments nila ni Jeric na kuha sa Bohol. May kuha silang overlooking sa Chocolate hills kung saan matamis ang ngiti nila habang nagkatitigan sa isa't isa. May isa pa silang kuha habang magkayakap habang natatanaw ang pamusong tourist spot ng Bohol. Sa isa pang picture nakasuot naman sila ng life vest at ang view nila ay sa tabing dagat.

Kitang kita ang saya ni Rabiya lalo na sa video kung saan nag piggy back ride siya kay Jeric habang bumababa sa hagdan. Caption ni Rabiya kalapit ang shining heart emoji, 

Live. LOVE. Laugh.

Thank you, Eric. ✨❤️

 

Makalipas ang tatlong oras si Jeric naman ang nagpost sa Instagram ng pictures nila ni Rabiya  kabilang na rito ang picture nila sa may Chocolate Hills at isa pang picture habang nasa loob sila nang sasakyan. Na may caption na,

To more memories with you ✨❤️ @rabiyamateo I love you.

 

Kinatuwa naman ito ng mga kaibigan at mga katrabaho ni Rabiya ang balitang masaya ang kanyang lovelife. Unang bumati sa kanyang ang Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luige Gomez. Maging si Miss Universe Thailand 2020 Amanda Obdam ay nagkomento rin ng heart emoji. Ang mga fans at ilang mga celebrities ay kinikilig rin sa kanilang relasyon. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo