Ratings ng mga pumalit na show sa Wowowin nakakuha ng mas malaking ratings! Willie walang pakialam!

Huwebes, Marso 31, 2022

/ by Lovely



Muling nagreact si Willie Revillame sa isang balita kaugnay sa ratings ng isang show na pumalit sa kanyang programa. Matapos umalis ng show ni Willie Revillame sa GMA7 na Wowowin dahil sa hindi niya pagrenew ng kontrata sa network. Agad nagkaroon ang Wowowin ng kapalit sa timeslot nito sa nasabing network. Ipinalit ng GMA7 ang show na Dapat Alam Mo na hosted ni Kim Atienza at ng iba pang host. Dati rin ito umere sa GTV, isang channel ng GMA7.

Matapos umanong ipalabas ay nagkaroon ng mas mataas na rating ang Dapat Alam Mo kaysa sa naging ratings ng Wowowin na show ni Willie Revillame noong umiere pa ito sa GMA7. Hindi naman napigilang magreact ni Willie Revillame rito. Matatandaang nagtapos ang show ni Willie Revillame sa GMA7 na Wowowin Tutok To Win noong February 11, 2022. Kasunod ito nang pagexpire ng kanyang kontrata sa Kapuso Network.

Ang pansamantalang pumalit sa timeslot ng Wowowin ay ang Dapat Alam Mo nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak originally ay napapanood ito sa GTV ngunit umere sa GMA7 mula February 14 hanggang March 18. Nitong March 21 naman ang nagsimulang umere ang Family Feud ni Dingdong Dantes sa dating timeslot ng Wowowin at Dapat Alam Mo. Ayon sa mga lumabas na balita, bahagyang tumaas ang mga rating ng dalawang programa kumpara sa rating noon ng Wowowin.



Sa kanyang online program na Wowowin Tutok Para Manalo na napapanood ngayon sa Youtube at Facebook, naglabas ng saloobin ang host na si Willie Revillame kaugnay rito. Ayon kay Willie mas malawak ang kanyang kalayaan sa kanyang show ngayong hindi na siya nakatali ng kontrata sa isang network. Sa kanyang pagbabalik programa sa pamamagitan ng Youtube at Facebook ginagawa na raw ng host ang lahat ng kanyang kagustuhan. Pinalagan din niya ang mga sulat na nawalan siya ng premium dahil online na lamang ang show niya ngayon.



Sa bahagi ng kanyang pahayag ay sinabi niya,

"Sa inyo na yang ratings, sabihin mataas ang ratings nung wala ako, sa inyo na lahat 'yan. Basta ako, gagawa kong kabutihan sa aking mga kababayan at sa kapwa ko. Saka kahit naman siguro papa'no nakapagpasok naman siguro kami ng malaking pera diyan sa mga istasyon na pinasok namin dahil marami din naman mga sponsor mga sponsors na pumasok. Ganun lang 'yan, laging positive, tanggalin niyo na.. ang hirap na, naggiyera na, na-COVID na, tama na 'yang ganyan. Maging mabuti tayo sa kapwa natin. Tayo ay magtutulungan. Mabuti na rin 'tong nangyaring 'to, sa Facebook at sa Youtube, nasasabi ko yung gusto ko. Kasi pag nasa channel ka, 'Psst, bawal 'yan, di puwede 'yan,' di ba? Pag naggi-guest ka ng artista galing sa ibang channel kahit hindi na lumalabas, 'Bawal 'yan, di pupuwede 'yan,' ang hirap. Gusto mo pagandahin ang programa mo para quality, ayaw, 'Bawal 'yan, di puwede 'yan.' Hindi po puwedeng bawal. If you want entertainment, dapat intindihin mo yung mga taong nanonood. Yung mag-eenjoy sila kaya nga sila nanonood eh. Uy, a, yung iba diyan nagsusulat parang nakakaawa daw ako, nasa Youtube at Facebook na lang daw ako. Mag-isip nga kayo, 'yan na ho ang mundo ngayon, social media na- Youtube, Facebook na talaga. Nagyo-youtube din naman sila, gayundin na naman wala silang mga programa."

( Hide )
  1. D nman kmi manood family feud para LNG SA MGA artists d nkktulong SA mhirap pinpnood nila ung turkey novels endless love walang dating Hindi msaya d tulad kuya will npksaya at d boring at nkktulong pa SA nangangailngan BASTA Willie revillame pg bumalik na SA ere manood kmi exciting.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo