TV Persomality with LGBTQ Relationships of 2021!

Huwebes, Marso 17, 2022

/ by Lovely


May mga nagsasabi na ang mga LGBT Relationships ay hindi posible at hindi nagtatagal. Ngunit may mga LGBT celebrity couples sa showbiz na magpapatunay na nagtatagal ang kanilang mga relasyon. Ngayon taong 2022, narito ang mga going strong na LGBT relationships sa showbiz!

    1. Chad Kinis and Nikko Alano Chua



Noong June 2021 isinapubliko nina Chad Kinis at Nikko Alano Chua ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang social media post. Si Chad ay isang TV personality at miyembro sa sikat na youtube comedy trio na Beks Battalion. Si Nikko naman ay isang runway and print ad model, negosyante at itinanghal bilang Mr. Mossimo 2018. Hindi naman nakaiwas sa mga mapanghusgang mga mata ang kanilang relasyon lalo na't isang model ang boyfriend ni Chad. Sa isang post ni Nikko para kay Chad, maraming mga netizens ang nagkomento at sinabing pera lang habol niya sa komedyante. Sa caption isinaad ni Nikko na maraming mga negativities ang hatid ng kanilang pagiging public figures, pagdating sa kanilang relasyon. pero tiniyak ni Nikko kay Chad na, 'No one could ever destroy us.'

    2. Joel Lamangan and  Jim Pebanco


December 2018 inamin ng character aktor na si Jim Pebanco na matagal na ang relasyon nila ng Direktor na si  Joel Lamangan. Ayon kay Jim sa theater nagsimula ang pagiging malapit nila ni Direk Joel. May tatlong dekada na ang relasyon nila. Pinuri ang pagmamahalan nila ng direktor dahil sa nakakainspire nilang kwento. Pagsangayon naman ni Jim,

"Oo, kasi dapat may tiwala."

    3. Enzo Almario and Ceejay


Nagcome out ang former Sugar Pop Member at Idol Phi;ippines contestant na si Enzo Almario sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime noong 2018. Dito niya ipinakilala ang boyfriend na si Ceejay na kasama ni Roman Almario sa Studio ng It's Showtime. Napaiyak si Enzo nang mapag-usapan ang pag-amin niya tungkol sa tunay na sexual preference na suportadao ng tatay niya. Sila Enzo at Ceejay ay nagcelebrate ng kanilang 5 anniversary noong February 2022.

    4. Ando Ranay and Noel Escondo


July 7, 2018  nang inihayag ni Direk Andoy Ranay sa pamamagitan ng Intagram post ang relasyon nila ng kapwa direktor na si Direk Noel Escondo. Tampok ang lkitrato nila na parehong may hand printed rainbow flag sa pisngi. Maikli ang sweet na caption ng Direktor ani niya,

"He is my love! ❤❤❤ @noelescondo."

Nagkomento naman si Direk Noel sa nasabing post,

"And you are mine."

June 29, 2019 nang ipinost muli ni Direk Andoy ang nasabing picture nila upang batiin si Direk Noel ng, 'happy anniversary'. Inanunsyo sa Instagram noong August 23, 2019 ang mga pictures and videos nang mag 'yes' si Direk Noel sa kanyang marriage proposal.

    5. Ice Seguerra and Liza Dino


March ngayong taong ay icecebrate nina Ice at Liza ang kanilang 9th anniversary as a couple.Noong nakaraang taon ay pinuri at pinasalamatan ni Ice si Liza sa isang Instagiram post. Pinasalamatan niya si Liza sa pagiging bestfriend niya, critic and life partner. Sina Ice at Liza ay ikinasal sa California noong December 2014 nag exchange vows naman sila muli sa aisang symbolic ceremony dito sa Pilipinas noong January 2015. Nagpapasalamat naman ang dalawa sa pagiintindi ng anak ni Liza na si Amara sa unconventional setup ng kanilang pamilya. Matagal nang binabalak nila ang pagkakaroon ng anak, siya ang tatayong surrogate mother sa egg cell ni Ice sa isang sperm donor.

    6. Rajo Laurel at Nix Alanon


Ang Fashion designer na si Rajo Laurel ay mahigit isang dekada na ang relasyon sa isang interior designer na si Nix Alanon. Ang dalawa na parehong mga designer ay successful na sa kanilang napiling field. Halos 17 years na ang nakalilipas mula nang una silang magkita. Nagdate sila nang halos 3 buwan at napagdesisyonan na ipagpapatuloy nila ito. Ang love nila sa design and creativity ang nakapag unite umano sa kanila.

    7. Boy Abunda at Bong Quintana


Ang 'King of Talk' na si Boy Abunda ay nagbahagi tungkol sa kanyang buhay kasama ang kanyang long time partner si Bong Quintana. Kahit dumaan sila sa mga mahihirap na pagsubok, hindi nawala at tumatag pa ang kanilang relasyon. Inihayag din ni Tito Boy na mahigit 30 years na silang nagsasama. Kahit na ang kanilang pagsasama ay hindi naging madali at minsan pa'y pareho silang naging unfaithful bumabalik pa rin sila sa isa't isa. 

    8. Francis Libiran at Christian Mark Jacobs


Isang American businessman naman ang karelasyon ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran, si Christian Mark Jacobs. Si Christian at Francis ay nagkakilala sa Paris noong 2014. Sa interview sa People's Asia Magazine sinabi ni Francis na kinoconsider niya si Christian na isang answered prayer. Matapos niyang bumisita sa ilang mga simbahan sa Europe for the first time. Ang couple ay na engage noong November 2015, sila ay nagexchange vows sa kanilang sunset wedding noong March 17, 2017.

    9. Ate Glow at Mr. Hampshire


Tanggap ni Ate Glow na hindi lahat ay pabor sa kanyang pagiging transwoman at ang pagpapakasal niya sa kanyang British boyfriend. July 2, 2016 nang ikasal si Ate Glow sa kanyang boyfriend sa Chelsea Registry Office sa United Kingdom. Gayunpaman, pinili ng dating comedian na hindi magpapaepekto sa kanyang mga kritiko. Lubos naman ang pasasalamat ng dalawa sa mga taong nagbigay ng suporta sa kanila sa bagong chapter ng kanilang buhay.

    10. BJ Pascual at Mike Lavarez


Isa sa mga kinokonsidera bilang most famous gay celebrity couples sa bansa  fashion photographer na si BJ Pascual at ang Art Director na si DJ Mike Lavarez na tumutulong ngayon na inormalize ang view ng society same sexual relationship. Naging inspiration sila sa LGBTQ+ community upang maipakita ang isang strong and relatable representation of their own kind of love. Naniniwala sina BJ at Mike na sa pagbabahagi sa kanilang photos together bilang sweet couple ay makakatulong ito sa pananaw ng society at tuluyan itong tanggapin. 

    11. Kaladkaran Davila and Luke Wrightson


Si Kaladkaran ay karelasyon ang isang British na si Luke Wrightson na isang merchant sailor. Nagkalilia ang dalawa sa Hongkong noong 2012. 'May Nagkatuluyan', bahagi ng caption ni Kaladkaran nang inanunsyo nito ang kanilang engagement sa pamamagitan ng Instagram post noong September 2020. 10 taon na ang relasyon ng dalawa at walang duda namang tanggap ng pamilya pamilya ng dalawa ang kanilang relasyon. 

    12. Tim Yap at Javi Martinez


Noong January 19, 2017, 40th birthday ni Tim Yap nang magpropose siya sa kanyang boyfriend. Nangyari ito nang magspeech si Tim sa kanyang Miss Universe themed party na dinaluhan rin ng ilang mga kaibigang artista at ilang mga kilalang personality. Ayon kay Tim matagal na silang magkasintahan ni Javi. Ikinasal sila sa New York City, US  noong December, 2018.

    13. Sheryn Regis at Mel De Guia


Kinumpirma ni Sheryn Regis na may relasyon sila ng youtuber na si Mel De Guia limang araw matapos lumabas ang sweet video nila sa tiktok account ni Mel. Si Sheryn ay hiwalay sa asawa at mayroong isang anak habang si Mel ay isang youtuber at kilalang miyembro ng LGBTQ+ community. 

    14. IC Mendoza at Rick Tropicales


Si Rick ay isa sa mga biyayang natanggap ni IC sa panahon ng pandemya dahil nagkakilala sila noong 2020 sa isang dating app. Paglalarawan pa ng former child star, siya ay 34 year old habang si Rick ay 26 at kasalukuyang nag-aaral. Ito umano ay maalaga, cute at malambing. Tinatawag nang dalawa ang isa't isa ng 'hon o honey'.

    15. Vice Ganda at Ion Perez


October 2019 nang aminin ni Vice Ganda na may relasyon sila ni Ion Perez. Nangyari ito matapos ang performance ng grupo ni Vice sa 'Magpasikat' segment ng It's Showtime. Halatang inlove na inlove ang dalawa sa isa't isa. Ipinagdiriwang nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang 3rd anniversary as a couple noong October 25, 2021.

    16. Ogie Diaz at Georgette del Rosario


Si Ogie Diaz ay isang comedian talent manager na kilala bilang isang gay pero pamilyadong tao. May lima siynag anak na babae sa kanyang misis na si Georgette del Rosario. Base sa isang article, sinabi ni Ogie na bago niya marealize na isa siyang bakla may idinidate na siyang mga babae. Sinabi rin ni Ogie nang makilala niya si Georgette may girlfriend raw siya sa panahong iyon. Ang kanilan relasyon ay napakaunique dahil nagsimula raw sa isang laro na billiards. Kahit si Ogie ay openly gay hindi ito nakapigil na ipakita ang kanyang affectionsa kanyang partner at sa lima nilang anak.

    17. Jake Zyrus and Shyre Aquino


Ipinakilala ni Jake Zyrus si Shyre Aquino sa publiko sa pamamagitan ng Instagram post noong August 2017. Ayon sa singer, malaki ang naging bahagi ni Shyre upang tuluyang siyang mag come out bilang isang transgender man. Kinumpirma ni Jake na engage na sila ni Shyre noong November 2018. Sa isang interview inassure ni Jake ang mga netizens na masayang masaya siya ngayon sa piling ni Shyre. 

     18. Rap Salazar at Erwin Laroya


 

Matagal nang usap usapan ang tungkol sa totoong sexual preference ni Rap. February 14, 2020 nagpost siya sa Instagram ng larawan ng dalawang lalaki na magkayakap habang tinatanaw ang waterfalls. Ang dalawang lalaki sa larawan ay ang singer at kanyang boyfriend na si Erwin Laroya at siya. Iyon ang simula nang pagcome out ni Rap sa publiko.

     19.Sussana Roces at Blessy Arias


Proud na karelasyon ngayon ni Sussana Roces si Blessy Arias na nakilala niya noong siya ay teenager pa lamang. Sa isang private resort sa Antipolo taong 2016 ay ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang seremonya. Simple na lamang ang buhay ngayon ni Sussana kung saan simpleng nagtatravel ito kasama si Blessy at masayang nakakasama niya ang kanyang mga anak at apo. Kontento siya sa relasyon nila ni Blessy na lalo pang tumatatag.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo