Umamin umano si Tom Rodriguez na nagkaroon siya ng ka one night stand! Ito na ba ang dahilan ng kanilang away?

Miyerkules, Marso 16, 2022

/ by Lovely



Tila lumabas na ang katotohanan tungkol sa hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ayon mismo sa ama ni Carla Abellana sa isang panayam nito sa radio, na umamin di umano sa Tom Rodriguez na may naging one night stand ito at naging dahilan ng kanilang pag-aaway. Paglilinaww ni Rey 'PJ' Abellana na ama ni Carla, na hindi pa raw talaga naghihiwalay ang dalawa at sinusubukan pa na ayusin ang kanilang relasyon. Dagdag pa ng aktor, na sinusubukan niyang ireach-out ang anak niya kung may katotohanan ba ang mga kumakalat na balita. Ilang araw daw muna ang nakalipas bago sagutin ng anak ang text ng aktor. Ayaw daw munang sagutin ni Carla ang balita dahil inaayos pa daw nila ang problema. Sabi pa ng ama ni Carla, medyo nanggigil na raw siya sa anak dahil ito raw ay  hindi nagsasalita sa kanya. Ibinahagi rin ni PJ na nagreach out sa kanya sa Tom at nakipag-usap sa kanya sa kanilang bahay. Inamin ni Tom na nagkaroon siya ng one night stand na naging dahilan ng matinding away nila ng kanyang asawa.



 Ayon sa ama ni Carla ay hindi umano macoconsider na third party ang away ng mag-asawa dahil ito ay one night stand lang at gaya niya bilang lalaki ay hindi ito considered as mortal sin dahil normal sa lalaki ang pakikipag-one night stand at siya raw mismo ay nagawa ito. Nilinaw din ng ama ni Carla ang issue tungkol sa pagiging bakla ni Tom Rodriguez. Sabi niyang ayaw niya itong paniwalaan at hindi niya nakikita kay Tom ang pagiging bakla. Kilala rin daw niya ang kanyang anak na si Carla na gumraduate bilang cumlaude. Hindi raw ito bobo at imposible daw na sa loob ng 7 years ng kanilang relasyon na hindi nito mahahalata kung bakla ba ito.



Matatandaan na naging maugong sa social media kung saan ang balitang on the rocks ang pagsasama nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Nagsimula ang speculation ng kanilang hiwalayan matapos iunfollow ng mag-asawa ang isa't isa sa kanilang mga instagram accounts kalaunan nama'y nagfollow na rin ang dalawa sa isa't isa. Maliban rito may ilang netizens ang nakapansin na ang kanilang mga wedding photos ay burado na rin. Tinuturing dahilan noon ang pagseselos ni Carla sa isang actress na malapit kay Tom. Lalong tumindi ang haka haka nang may post si Tom na cryptic video sa kanyang IG account.

Dasal ng kanilang fans na karaniwang away mag-asawa lamang ang kanilang pinagdadaanan. Bago nagpakasal, pitong taon din silang naging magkasintahan. Kung totoo ngang meron silang kinakaharap na marital problem ay mahigit tatlong buwan pa lang silang kasal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo