Umani ng pambabatikos kay Lolit Solis ang kanyang post tungkol kay Bea Alonzo!

Huwebes, Marso 24, 2022

/ by Lovely

Nakatanggap na naman ng pambabatikos mula sa mga netizens ang talent manager na si Lolit Solis dahil sa isyung kinasasangkutan nito ngayon. Ang kanyang inilalabas na opinion sa social media ay naging therapy at emotional outlet na rin ng columnist. Sa tingin niya ay nakakatulong ito sa kanyang sarili.

Subalit may ibang naipopost si Lolit na naging negatibo para sa karamihan. Tulad na lamang ng kumakalat na balitang pambabastos nito sa bagong Kapuso talent na si Bea Alonzo. Napag-alaman kasi ni Lolit na hindi na siya makakadalo sa gaganaping press con ng aktres para sa bagong endorsement nito sa isang  kilalang skin care brand.



Ipinatanggal umano ng manager ni Bea na si Shirley Kuan ang kanyang pangalan sa listahan ng mga entertainment writers at reporters na makakasama sa launch ng aktres bilang bagong endorser ng nasabing brand. Kaya naman naglabas ito ng sama ng loob sa kanyang social media at inihayag ang kanyang pagkadismaya sa nangyari. Ayon kay Lolit Solis sa kanyang Instagram post,

Natawa ako Salve ng mabalitaan ko na pinaalis ni Shirley Kuan ang pangalan ko sa invited press people na imbitado sa Bea Alonzo Beautederm launch. Bongga! I feel so important. Imagine mo, hindi ako maimbita sa importanteng launching ng super duper mega star of all season na si Bea Alonzo ! My God, dapat na akong mag quit sa showbiz. Non entity ako sa regal queen ng showbiz, na magpapayaman sa mga production na pupuntahan niya, na baka maging jackpot ang kitain ng Beautederm dahil endorser nila ang maganda, walang kulubot, napakakinis na Bea Alonzo. Wow ! Talbog niya lahat, puwede siya mamili ng writers na invited sa presscon na hindi naman siya ang magbabayad ng kakainin, at sana nga makuha niya na tumaas ang dati ng mataas na sale ng Beautederm. Mabuti na lang at mabait si Rhea Tan, super duper ang PR ni Chuck Gomez, at dati ng number 1 ang Beautederm. Ewan ko kung may maitutulong pa ang may edad na at hindi naman gaano kalakas na endorser na tulad ni Bea Alonzo. At lalo pa siyang madaragdagan ng wrinkles dahil sa stress niya na dapat hindi invited sa mga presscon niya ang mga writers na ayaw niya. Bad iyon may itinatago kang stress, bawas ganda iyon, dapat iwasan ni Bea Alonzo. Hindi bale Salve at Gorgy, sure ako kay Bea Binene invited tayo, mas bata at maganda naman siya kesa kay Bea Alonzo, kahit itanong mo kay Julia Barretto na sure ako YES agad si Gerald Anderson , hah hah hah 😭 #classiclolita #ctto

 

Dahil kilala si Lolit Solis sa kanyang matalas na pananalita at therapy umano niya ang paglalabas ng saloobin at naiisip tungkol sa isang sitwasyon sa kanyang kapaligiran sa kanyang Instagram acount hindi rin nin nito maiwasang maglabas ng opinyon lalo na at siya mismo ang sangkot. 

Sa kanyang inilabas na post hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magsalita ng masakit tungkol kay Bea. Nilait nito ang kutis ni Bea at sinabing matanda na ito para kunin bilang skin care endorser kumpara sa maraming kabataang artista na napapanood ngayon. Napaisip pa umano siya kung effective nga ba ang pagkuha ng brand kay Bea bilang bagong endorser dahil hindi naman umano ito kalakasan sa mga iniendorso nitong brand noon. Nagkataon din  lang daw na kumikita na ang mga nasasalihan nitong endorsements kaya lumalabas na epektibo siyang tagapagdala at tagpag-angat ng isang brand.


Ang mga kritiko ni Lolit ay nagparating ng kanilang mga saloobin sa na ipost niyang update. Umani ng samu't saring batikos si Lolit sa kanyang post tungkol sa pagkakatanggal sa kanyang pangalan sa mga imbitadong press people sa endorsement launch ni Bea Alonzo.

Narito ang ilang saloobin ng mag netizens,

"Si Manay pwede pumili na kakampihang artista pero ang artista hindi pwedeng pumili ng iimbitahin? Ang butt hurt mong matanda."

"Parang kinwestyun pa niya kung sino ba si Bea para hindi siya iinvite. Eh ayun na nga , sino ka din ba para iinvite?"

"My God ang bitter. May rason kung bakit hindi ka invited at lumalabas talaga ang kulay ng mga tao I'm sure you would not say what you said if you were invited. Siya may endorsement so that means relevant pa. Ikaw kaya relevant pa?"

Ito ay ilan lamang sa mga pambabatikos na natanggap ni Lolit Solis. May iba na nagsasabi pa na baka natakot ito na maagawan ng pwesto si Marian Rivera sa pagiging primetime queen nito. May ilan ding nagsasabi na hindi na talaga gusto ni Lolit si Bea magmula ng lumipat ito sa Kapuso Channel.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo