Vhong Navarro, aalis na umano sa noontime show na 'It's Showtime?

Huwebes, Marso 17, 2022

/ by Lovely



Patuloy pa rin ang mga hating reaksyon at panananaw ng mga artista pagdating sa kung sino nga ba ang karapat dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Mainit na usapin ngayon ang pagiging hati ng mga kapamilya artist pagdating sa usapin sa pulitika. Karamihan sa mga kapamilya artists and employees ay todo ang suporta ngayon kay Vice President at Presidential aspirant Leni Robredo. Sa kabilang banda, ang mga artista at employees na hindi sumusupota kay tila kinakansel ng mga kasamahan. Hindi maiiwasan na mapuno ng mga pambabash ang mga ito tulad ng nangyari  kay Toni Gonzaga at Karla Estrada na nagpakita ng pagsuporta kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ngayon, usap usapan naman ang  isa na namang artista na makakansela dahil sa pagsuporta sa ibang partido. Ito ay ang aktor, performer, comedian and It's Showtime host na si Vhong Navarro. Umingay ang usaping ito na umano'y tatanggalin bilang isang host si Vhong Navarro dahil sa pagpapakita nito ng suporta kay BBM. Hindi man tahasang sinabi ni Vhong ang kanyang pagsuporta kay BBM, napansin naman ng karamihan ang paggamit nito ng hand sign na ginagamit sa pagsuporta kay BBM.Marami ang nakakita na ginamit ni Vhong ang peace sign, na nagsisilbing hand gesture sa pagpapakita ng support kay Bongbong Marcos.



Haka haka tuloy ngayon ng mga netizens na ang presidential aspirant na sinusuportahn ni Vhong ay si BBM, taliwas sa mga sinusuportahang kandidato ng kanyang mga kasamahang host sa It's Showtime. Ang kanyang mga kasamahan ay todo ang suporta kay VP Leni kaya naman hindi maiiwasan ang isipin ng ilang netizens na baka umano ay matulad si Vhong sa nangyari kay Toni G. at Karla.

Sa ngayon, wala pa namang pahayag ang management at si Vhong Navarro tungkol sa isyung ito.  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo