"Kagagaling ko lang sa hospital at nagpaexecutive check up, para malaman niyo. So dapat hindi kami maglalive pero sabi ko, 'kailangan maglive kasi pangako natin 'yan.' Actually ho sa totoo lang mayroon akong stapler kaya hindi ako makasayaw hindi ako makakanta. Nagkaroon ako ng colonoscopy, endoscopy, sa heart lahat. Hindi naman malungkot kaya lang medyo may kunting worries ka. May nakitang Polyps sa akin dalawa, isa sa colon medyo matagal na ako nakitaan ng Polyps at isa naman sa stomach. Medyo sana 'wag naman medyo prone ito sa cancer. Pero anyway malalaman ko sa monday kung positive po ako sa cancer or not. Ang usapan namin sa mga doctor sabi ko, 'Doc be honest with me kung ano ba ang dapat gawin."
Sabi ni Willie kung wala siya sa monday ibig sabihin 'nun na confine na siya at kailangan ng putulin ang kanyang intestine. Sinabi din niya na sana huwag itong matuloy. Ipinagdadasal din ni Willie na sana daw ay negative naman ang resulta kung may cancer siya dahil malungkot at mabigat ang kanyang nararamdaman.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!