Pinagbabawalan nga ba ni Aljur Abrenica na magpa-sexy ang kanyang rumored girlfriend na AJ Raval?
Bali-balita ngayon ang pag-atras ni AJ Raval sa dapat sana'y pagbibidahan niya na pelikulang Scorpio Nights. Ayon naman kay AJ ay magfofocus muna siya ngayong taon sa kanyang pag-aaral. Kaya pansamantala muna siyang mawawala sa showbiz.
Magkakaroon umano ng conflict sa schedule niya kung pagsasabayin niya ang kanyang career at pag-aaral. Samantala ibang balita naman ang kumakalat mula sa ibang reliable source. Ayon sa kanila, si Aljur Abrenica umano ang dahilan kung bakit ayaw nang gawin ni AJ ang kanyang sexy movie.
Nagseselos umano ito sa mga scene na gagawin sa movie kasama ang ka loveteam nito. May ilan ding balita na nagsasabi umano na bakit hindi na lang si Aljur ang gawin partner ni AJ sa movie upang wala nang selosan na mangyayari. Ngunit sagot nang direktor na kailangan muna nitong pumasok sa acting work shop bago niya ito kuning bida sa kanyang movie.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!