Viral music video ni Andrea Brillantes usap usapan matapos tikman ang mantika sa pinagpiprituhan nitong hotdog. Direktor ng nasabing music Video nagsalita na.
Mabilis na usap usapan ngayon sa social media ang music video na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Adie. Ito ay ang awitin na Adie na ang pamagat ay Tahanan. Kasalukuyan itong number 3 trending sa YouTube.
Maraming mga netizens ang kinilig sa naging chemistry nina Andrea Brillantes at Adie sa nasabing music video. Ngunit ang talagang humakot sa mga attention ng maraming netizens ay ang scene kung saan mapapanood ang pagtikim ni Andrea Brillantes sa mantikang pinagpiprituhan nito ng hotdog. Kinaaliwan ito ng maraming mga netizens at humakot ito ng samu't saring mga komento.
'Sa daming beses ko nang nagluto ng hotdog, di ko pa naman tinikman kahit minsan yung mantika opo. Hihi anyways Adie's voice will always be not just 'music to my ears' it's all 'perfection' <3333. You are one of the gems this generation Adie, keep up!!'
Samantala nagsalita na ang direktor ng music video at ipinaliwanag kung bakit iyon ginawa ni Andrea Brillantes.
"Okay so madami na kayong nakapansin nung pagtikim nung sabaw ng hotdog.
It was my intention na gawin 'yon. Hahaha. Story time! Before taking the scene originally, tubig lang yung nakalagay para kumulo tapos makikita lang na may usok for practical effects and ayoko na paglutuin si Blythe for safety reasons tapos nagulat na lang sila nagchop ako ng hotdog tapos nilagay ko sa pan. And originally instead of 'sarap' ang nasa script ay 'okay naman' since fan ako ni ninong Ry. I just thought it looks dumb and I went for it.
Don't expect all women, jowa, asawa, etc. na marunong magluto (hindi siya gender role) and that's okay! Ipagluluto ka pa rin niya kahit di siya marunong magluto. Slow mo pa rin ang pagtingin mo sa kanya, mahal mo pa rin siya despite mukha siyang iwan na umiinom ng sabaw ng hotdog.
If you think it's funny and stupid, that's the point! Happy watching guys."
Simple life..begins love
TumugonBurahin