Bagong Girlfriend Ni Skusta Clee Lumantad Na Sa Publiko

Huwebes, Abril 21, 2022

/ by Sparkle


Once a cheater always a cheater. 

Ito ang mga salitang binabato sa rapper na si Skusta Clee ng mga netizens. Muli na naman umanong nagloloko itong si Skusta matapos patawarin ng ilang beses ng kanyang girlfriend na si Zeinab Harake.

Usap usapan ngayon ang hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Sa nakakaawang kalagayan ngayon ni Zeinab, nakuha pang magloko ni Skusta. Noong April 11 isinugod sa hospital si Zeinab at ang nakakalungkot na balita, nakunan siya sa pangalawang baby sana nila ni Skusta Clee. Kasalukuyang 4 months nang buntis si ZB bago ito nakunan. Sobrang stress at binat ang naging sanhi ng kanyang dinadala.

Noong April 1, isang fan ni Zeinab ang nag tweet.

'Sinetch itey boyfriend ng isang sikat na magdadalawa na sana ang anak cheater pa rin behh.'

Hindi naman nito sinabi kung si Skusta Clee ba ang tinutukoy nito. Sa isang facebook group naman na ZeirylNatics Official, may isang admin na nagpost,

'Guys March pa lang madalas na talagang mag-away sina Ate Zebby at Kuya Daryl, dahil laging umaalis ng bahay si Kuya Daryl nang hindi nagpapaalam. Hanggang sa nahuli na siya ni Ate Zebby na nagchecheat na naman so yun pinaalis ng bahay si Kuya Daryl.12 weeks preggy pa naman si ate that time. April 11 na naospital si ate Zebby ng hindi alam ni Kuya Daryl. Bigla nalang nabalitaan ni Kuya Daryl na nakunan pala  si Ate Zebby at ibuburol na ang kanilang Baby.'

February ang huling pagsasama nila sa vlog na birthday celebration ni Skusta. Wala rin si Daryl sa burol ng kanilang second baby. Sa Instagram naman ni Zeinab burado na ang lahat ng kanilang pictures na magkasama at naka unfollow na rin sa isa't isa.

'Sa mga nagtatanong ba't walang 11 months ng vlog ni Bia. Ito siguro ang dahilan kaya minsan kapag alam natin na walang nalabas na vlog huwag na magtanong o mangulit ba't ala daw vlog, baka hindi na natin namamalayan dahil focus nalang tayo sa vlogs hindi na din natin naiisip mental health nung vlogger, mapasaya lang tayo. I hope naiintindihan niyo ngayon why walang 11 months vlog ang mas mabuti na gawin is mag pray para kay Mommy Zebby. Pagaling ka agad Mommy Zei. Dito lang kami magdadasal din. Lalo na at malapit ng mag 1 year old ang pinakamamahal mong prinsesa.'

Samantala, wala pa ring official statements ang dalawa kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens. May isang netizens ang nagpost sa social media na nakita umano nila si Skusta Clee sa bar,

'Nakita namin si Skusta Clee na may mga kasama sila girls at hinanap ko si Ate Zeb, wala siya. Kaya pala, hiwalay na sila that time.'

'Once a babaero, always a babaero. Ang mga cheater pinapatawad mo magbabago naman yan pero sa una lang, tapos pag ok na naman saka na naman magloloko. Been there. Sabi nga you deserve what you tolerate.'

'Kaya naman pala nagtatanong yung kaibigan ko kung hiwalay na ba si Skusta Clee at Zeinab kasi nakita niya daw si Skusta Clee na may kasamang ibang babae.'

'Sabi na ba si Skusta talaga may diperinsiya haist. Naku Zeinab na stress ka talaga kaya ka nakunan. Pero naawa ako kay Bia kasi makatatay masyado.'



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo