Pinag-uusapan pa rin ngayon ang matagumpay na pagkapasok ni Herlene sa Top 40 Official candidates ng Bb. Pilipinas 2022. Sobra ang tuwa ni Herlene sa mga nangyayari.
Maging ang kanyang mga tagahanga ay tuwang tuwa sa kanya lalo na't makikita sa kanyang hitsura na may laban na ito dahil lalo pa itong gumanda. Kamakailan lang ay muling nagbahagi si Herlene ng mga larawan sa kanyang mga social media accounts.
Dito makikita si Willie Revillame na todo ang ngiti at tila very proud ito sa achievement na narating ni Herlene. Ayon kay Herlene, malaki ang naitulong ni Kuya Wil kung nasaan man siya ngayon.
Dahil kung wala si Kuya Wil hindi rin siya makikilala ng mga tao bilang si Hipon Girl at marahil ay hindi niya masusubukan na makasali sa isang prestihiyusong pageant na Bb. Pilipinas.
Sa nasabing post ikiniwento niya kung ano ang mga napag-usapan nila ni Kuya Wil ng tumawag ito sa kanya matapos mapag-alaman na nakapasok siya sa Top 40.
Ayon kay Herlene,
'Hi mga ka squammy after ako ma announce na Official Candidate ng Bb. Pilipinas 2022 tumawag sa akin si Kuya Wil para e congratulate ako. Masaya na may halong iyak ako habang kausap ko siya sa phone. Dahil siya ang humulma sa akin at sobrang proud siya sa akin at natuwa po siya sa akin kasi lagi ko daw siya ina-acknowledge. Hindi ko raw siya nakakalimutan. Syempre naman alagang Wowowin si Hipon Girl. Nag gained ako ng popularity dahil sa pagjoin ko sa Wowowin segment na Willie of Fortune. Tapos siya din ang nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kalahati ng utak ko siya ang nag-ambag. Ngayon naman another Kuya Wil ang nakakita ng potential ko, sa pageant field. Kaya salamat din kay Sir Wilbert. In God's will talaga! Lagi ko yan panalangin at pinagpepray na maging malakas ang kalusugan sa dalawang Kuya Wil sa buhay ko. At siyempre sa buong kasquammy, KaBudol at Hiponatics na laging nakasubaybay sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat. Sa aking pamilya, lalo na kay Nanay Bireng at Tatay Oreng, na wala silang kaalam alam sa journey ko sa Bb. Pilipinas dahil hindi sila marunong magcellphone at hindi updated sa mga technology pero sabi ni Manager bitbit daw niya sina Nanay at Tatay during coronation night para at pagbubitihin ko pa ang aking performance para maging proud sila sa akin. Pangako na sisikapin ko po itong opportunity kaya prayer is the best weapon na din."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!