Una nang nagbigay ng kanilang pahayag at deklarasyon kung sino ang Presidente nila sa darating na May 2022 Elections sina Pia Wurtzbach at Kylie Versoza. Ngayon sa Youtube channel ng 2018 Miss Universe Catriona Gray, hindi na niya pinalampas na ibahagi rin sa mga netizens ang kanyang opinion sa pagpili ng magiging lider ng ating bansa. Nagbigay si Catriona ng limang characteristics na pwedeng maging basehan lalo na sa pagpili umano kung sino ang ating iboboto sa darating na election.
Ang limang qualities na ito ay ang pagiging qualified, history, service, platforms at values. Ipinaliwanag din ni Catriona na kailangang makita kung may pinag-aralan, ang experience sa pagtatrabaho sa gobyerno at kung ano rin ang mga ginawa nito upang iangat ang buhay ng mga Pilipino. Ayon kay Catriona, napakahalagang kilalanin at kilatisin ang mga tumatakbo hindi lang dahil iniendorso ito ng mga beauty queen at sikat na artista. Dapat may sarili umano tayong mga paraan at magsaliksik o magresearch ng tunay na pagkatao ng mga iboboto natin.
Sa bandang huli ng pagsasalita niya sa YouTube channel, inamin ni Catriona Gray na ang iboboto niyang Vice President ay si Kiko Pangilinan, ang asawa ni Sharon Cuneta at ang iboboto niyang Presidente ay si Leni Robredo. Sinabi rin ni Catriona na maraming nagawa si VP Leni lalo na sa panahon ng pandemya. May mas marami pa umano itong magagawa pa sa future ng ating bansa. Sumang ayon naman ang mga fans ni Catriona Gray sa sinabi nito. May mga nagsabi rin na mas lalo nilang nagustuhan ito dahil sa stand nito.
Samantala, mayroon namang hindi sumang ayon sa sinabi ni Catriona. Ayon pa sa kanila, dapat din daw na ipinaliwanag din ni Catriona ang mga platforms na gagawin pagdating sa economy, pagdating sa future ng ating bansa, pagdating sa technology at iba pang kailangang gawin lalo pa't humaharap ang ating bansa sa climate change.
Makikitang marami ngayon ang mga kalamidad at marami rin ang nasasalanta nito. Ang itinuturong sanhi nito ay ang pagmimina at pagpuputol ng mga kahoy. Kailangan umano ng matindi at magandang plataporma, at ang pagkakaroon ng isang lider na may vision at kung saan makakarating ang Pilipinas sa mga darating na taon. Hindi kasi maganda na nangangako lang ang isang pinuno kundi kailangan magkaroon din ito ng plataporma kung saan makikinabang ang karamihan at hindi lamang ang iilan na may mga sariling intentions.
May punto naman ang sinabi ni Catriona na hindi magkakatulad ang ating opinion kung sino ang ating mga iboboto, ang mahalaga ay tayo ang pumili at hindi dinidiktahan ng kung sino sino. Ang pagkakaroon ng karapatan na bumoto sa darating na May Elections ay isang malaking paninindigan bilang isang Pilipino. May mga netizens pa na nagsasabi na ang Bicolana ay para sa Bicolana at nagsasabing kung anuman ang opinion ni Catriona ay dapat irespeto na lamang ng ibang mga tao.
Lahat naman tayo ay may karapatang kilatisin at piliin ang sa tingin natin ay magpapaunlad ng ating bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!