Maraming mga netizens ang nagulat sa balitang opisyal nang umatras sa kanyang kandidatura sa pagka senador si Cong. Rodante Marcoleta.
Unang nasagap ang balitang ito sa Instagram post ni Anthony Taberna. Sa mismong post makikita ang statement of withdrawal ni Marcoleta.
Dito nakasaad na siya ay nagwithdraw na sa kanyang pagtakbo sa halalan bilang senador. Dahil sa balitang ito, maraming mga netizens ang nagpahayag ng panghihinayang dahil isa umano ito sa kanilang ibubotong senador.
Ilan sa mga OFW din ang nadismaya dahil tapos na umano silang bumoto at nasayang umano ang mga ibinigay nilang boto rito.
Samantala, sa pahayag naman ni Marcoleta ibinahagi niya ang pasasalamat sa UniTeam sa pagtanggap sa kanya na mapabilang sa kanilang line up. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan si Pang. Duterte sa ginawang suporta at pagkumbinse sa kanya sa pagtakbo bilang senador.
Nagpasalamat din siya sa pagsisikap ng PDP-LABAN at ng PRP, ang partido dati ni Miriam 'Defensor' Santiago.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!