Nitong April 28, 2022 ay nagdiwang ng unang kaarawan si Baby Bia, anak nina Skusta Clee at Zeinab Harake.
Binati naman ni Skusta Clee ang anak sa pamamagitan ng isang post sa Instagram. Gayunpaman, mukhang hindi magkasama ang mag-ama.
Naging malaman ang pagbati ni Skusta Clee sa kaarawan ng kanyang anak na si Baby Bia. Mukhang hindi sila magkasama kaya sa Instagram na lamang niya ito binati. Makikita naman sa post ni Skusta na may nakalagay na caption,
'Happy birthday sa nag-iisang pinakamagandang butterfly ng buhay ko. Mahal na mahal kita anak!'
Maaninag naman sa post na ito ni Skusta kung gaano niya kamahal ang anak. Sa mga nagdaang mga araw, may mga kumukumpirmang hiwalay na ang magpartner na sina Zeinab Harake at Skusta Clee.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring ipinalabas na official statement ang dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon. Sa kabila naman ng mga isyung kinakaharap nila ngayon ay hindi naman nila nalimutan ang kaarawan ng kanilang anak.
Samantala, deadma naman si Zeinab sa naging pagbati ni Skusta Clee sa kanilang anak. Sa kabila ng pinagdadaanang isyu, proud na ibinahagi ni Zeinab na isa siya sa mga modelo ng Metro Magazine.
Isa si Zeinab sa mga naging hot topic at puno ng isyu sa buwang ito. Una ay ang pagkawala ng second baby sana nila ni Skusta. Kasunod naman ay napabalitang naghiwalay na sila ng kanyang rapper partner na si Skusta Clee.
Binalot din ng samu't saring mga haka haka kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Marami rin ang mga personalidad na nadamay sa isyu ng dalawa ngunit nanatili pa ring tikom ang bibig ng dalawa.
Sa kabilang banda, sa gitna ng pinagdadaanan ngayon ng sikat na vlogger, isang opportunity ang dumating sa kanya at kanya naman itong kinuha.
Ito ay ang pagiging cover ng Metro Magazine. Ito ay proud na ibinahagi ni Zeinab sa isang vlog noong April 26 sa kanyang YouTube channel na umabot na sa mahigit 12 million subscribers. Kasama niya sa nasabing shoot sina Donnalyn Bartolome, Yassi Pressman, Alexa Ilacad, Jessy Mendiola at iba pang sikat na mga celebrities.
Hindi umano inakala ni Zeinab na mapapasama sa pagiging cover ng sikat na magazine. Ngunit aniya, hindi porke't nanay na siya ay hindi na siya makukuhang modelo. First time umano niya ito kaya medyo emosyunal siya at hindi nabawasan ang sayang nararamdaman.
Sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon ni Zeinab, sunod sunod naman ang blessings na dumating sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!