Emosyonal! Lyca Gairanod Hindi Napigilang Maiyak Dahil Sa Sinapit Ng Kanyang Ama

Sabado, Abril 30, 2022

/ by Sparkle


Bumuhos ang luha ng young actress at singer na si Lyca Garanod, ito'y matapos bisitahin at makita muli ang kanyang ama. 

Nagsimula ang karera ni Lyca nang makilala siya at maitanghal bilang big winner ng The Voice Kids Philippines season 1. Nagsimula sa payak na pamumuhay si Lyca kung saan ang pamumulot ng mga kalakal ang kanyang pinagkakaabalahan para makatulong sa kanyang pamilya. 

Noon pa man ay family oriented girl na itong si Lyca. Lagi niyang inuuna ang kanyang pamilya. Kaya naman ng magtagumpay sa kanyang napiling career, unang nabuhusan ng kanyang biyaya ang kanyang pamilya. 

Bukod sa magandang pagkakataon na ibinigay sa kanya, masaya rin si Lyca dahil sa wakas unti unti na niyang naaahon mula sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Ang kanyang pamilya ay ang kanyang lakas. Kaya naman ginagawa nito ang lahat upang patuloy na uusad ang kanyang career bilang isang singer. 

Ngunit dahil sa ang kanyang pamilya ang nagbibigay sa kanya ng lakas, ito rin ang kahinaan ni Lyca. Sa kabila ng pagiging masayahin, hindi napigilan ni Lyca ang maiyak dahil sa sinapit ng kanyang ama. 

Sa isang video na ibinahagi ng young singer, makikita na nakahiga ang kanyang ama sa hospital bed. Makikita rin dito na maraming aparato na nakakabit rito. 

Sa nasabing video makikita ang pagkaway ni Lyca sa kanyang ama. Mapapanood din na hindi napigilan ni Lyca ang umiyak nang makita na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang ama. 

Ayon mismo kay Lyca halos pareho sila ng ugali nito. Pareho umano silang may taglay na kulit kaya hindi siya sanay na makitang nakahiga lamang at nanghihina ito. Sa nasabing post na ito ng dalaga, sinabi niya sa kanyang papa na, 

'Gising ka na diyan. Magkakantahan pa tayo. Pagaling ka na papa. Miss ka na namin.'

Bumuhos naman ang mga mensahe para kay Lyca at sa ama nito. 

Sila'y naghahangad sa mabilisang paggaling ng ama nito at pinapalakas ang loob ng young singer na magpakatatag ito sa ganitong sitwasyon at patuloy lamang na magdasal para sa tuluyang paggaling ng ama nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo