Naging emosyunal ang sikat na aktres na si Maja Salvador matapos ang naging engagement proposal sa kanya ng kanyang non showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez sa isang pribadong pagdiriwang ng easter sunday kasama ang kani kanilang mga pamilya. Kaya naman tanong ng karamihan kung ano nga ba ang katauhan ng lalaking bumihag sa puso ng sikat na aktres na si Maja Salvador?
Si Rambo Nuñez Ortega ay ipinanganak noong July 28, 1985 sa Cagayan de Oro. Siya ay kasalukuyang 36 years old habang si Maja naman ay 33 years old. Makikita sa social media account ni Rambo na mahilig itong magtravel sa iba't ibang bansa at isa rin itong model at fashionista na nafeature pa noon sa '8 of Manila's Most Stylist Gents That You Need To Be Following on Instagram' ng Lifestyle Asia noong 2018. Siya ay anak ng isang single parent na si Marelin Roa Nuñez. Ang kanyang ina ay kilala rin bilang isang event organizer at malapit na kaibigan ng mga showbiz couple gaya nina Richard Gomez at Lucy Torres Gomez, Gely at Ariel Rivera at ng Gutierrez Family. Si Rambo ay may dalawang kapatid na sina Martin at Hanee Nuñez. Siya ay nag-aral ng elementarya sa St. Francis School sa Cagayan de Oro at naghigh school naman sa Aquinas School sa Iowa, USA. Si Rambo ay nakapagtapos ng AB Councilor at Diplomatic Affairs sa De la Salle College of Saint Benilde. Siya ay isang Business man at risedente ng Forthinker Inc. na isang event at public relations company at CEO rin ng Pop Up Digital na isang digital marketing agency at communication company na humahawak ng mga event ng mga malalaking kliyente tulad ng Omega Watches, Jollibee Corporation, AirAsia, AXN, Converse, Metro Bank at Pepsi na halos mahigit isang dekada.
Si Rambo Nuñez din ang isa sa mga owner ng Loft Cafe at Studio 28 Bar and Restaurant sa Global City sa Taguig at Almacen Cantina Bar sa Makati City. Siya rin ang tumatayong Chief Executive Officer at kasosyo ng kanyang soon to be wife sa itinatag nitong Crown Artist Management kasama ang kanyang inang si Marilen at Mikki Gonzales.
Unang naging magkasintahan sina Maja at Rambo noong 2010. Nagkakilala sila sa isang concert ng Pops Star Royalty na si Sarah Geronimo noong 2009. Kwento pa ni Rambo na 'the more time he spent with her that evening, the more he started to fall for her.' Dito na nagsimula ang romantic relationship nila ng aktres. Naging maiksi lamang ang kanilang relasyon na umabot lang ng tatlong buwan dahil priority nila ang kani kanilang mga career kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Inamin ni Maja noon na minabuti muna niyang magfocus sa kanyang pagsisimula sa showbiz sa mga panahong iyon. Matatandaang makailang ulit ding nagkaroon ng relasyon si Maja sa ilang mga aktor na nakasama niya sa showbiz tulad nila Mateo Guidicelle, Gerald Anderson at Carlo Aquino. Samantalang si Rambo naman ay nagkaroon rin ng relasyon sa Filipino-American Victoria's Secret model na si Kelsy Merit mula 2016 hanggang 2018.
Halos siyam na taon rin ang lumipas, taong 2018 nang aksidente silang nagkitang muli sa airport lounge sa NAIA at pareho silang papuntang Japan noon. Makalipas ang ilang linggo ay pinagtagpo naman silang muli sa isang hotel gym sa America kung saan binisita ni Maja ang kanyang pinsan. Dito sila nagkaroon ng communication hanggang sa magkabalikan silang muli noong 2019. Ngayon ay mag-aapat na taon na ang kanilang relasyon. April 17, 2022 ay naganap ang matagal nang hinihintay na proposal ni Rambo Nuñez para sa sikat na aktres sa isang private celebration ng easter sunday kasama ang kanilang mga pamilya.
Sa post ng aktres sa kanyang Instagram ay sinabi nitong 'My New Beginning' ang pagtanggap niya ng wedding proposal ni Rambo. Sa post naman ni Rambo sinabi nitong, 'The best part is yet to come.' Umani naman ang mga ito ng mga pagbati mula sa mga fans, kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa loob at labas sa showbiz.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!