Ginanap ngayong araw ang Final Screening ng mga kandidata para sa Bb. Pilipinas 2022. Pipiliin dito kung sino sino ang mga magiging official candidates na maglalaban laban para sa mga korona para sa Miss International at Miss Grand International.
Makikita sa maikling video na ibinahagi ng Bb. Pilipinas sa social media kung saan isa isang sumasalang na ang mga aspiring candidates para sagutin ang mga mabibigat na mga katanungan sa question and answer portion. Umupo bilang mga judges ang mga reigning Binibini Queens, ang mga dating Binibini Queens tulad nina Miss International 2005 Lara Quigaman.
Umaasa naman ang mga fans ni Herlene 'Hipon' Budol na makakapasok ito bilang official candidate dahil palaban raw ito sa rampahan. Ginulat kasi ni Herlene 'Hipon' Budol ang mga netizens ngayong araw kung saan tila nagtransform ito bilang isang ganap na reyna habang papunta ito sa Final Screening ng Bb. Pilipinas ngayong araw sa Araneta Center Cubao.
Pasabog ang gown, maging ang hair and make up ni Herlene. Ayon pa sa kanya, handang handa na siya para sa Final Screening ngayong araw. Iaanunsyo raw ngayong gabi ng pamunuan ng Bb. Pilipinas kung sino sino ang mga nakapasok. Sabi naman ng ilang mga netizens sigurado na umano na makapasok si Herlene Budol dahil sa galing na ipinapakita nito at makikita rin na lumutang ang kanyang ganda kanina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!