Kung mayroon mang super happy at proud sa pagkapasok ni Herlene Budol bilang isa sa 40 official candidates sa Bb. Pilipinas 2022, ito malamang ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.
Aminado si Herlene na wala siya sa Bb. Pilipinas kung hindi dahil sa manager niya at ngayong napasali na siya ay pinapangalandakan na ng manager na si Wilbert Tolentino sa social media kung gaano siya ka proud kay Herlene.
Pagsusumikapan umano ni Herlene ang mga trainings niya sa poise, pasarela at Q&A. Pipiliting makasungkit ng kahit anong korona. Pangako pa ni Wilbert na siya umano ang bahala sa lahat ng susuotin ni Herlene basta ibigay lamang umano nito ang best shot niya. Basta magkakagulatan na lamang umano.
Syempre hindi naman magpapahuli si Madam Inutz na ayon pa sa pagkakakuwento ni Herlene na isa din sa naging dahilan kung bakit napunta siya sa Bb. Pilipinas 2022 at sa kamay ni Wilbert Tolentino. Dagdag pa ni Wilbert, ang success ni Herlene ay success ng lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya.
Lutang na lutang na ang napakagandang transformations sa look ni Herlene, wala pa man ang kabog na mga outfits niya lalo na at si Wilbert ang bahala rito.
i pray for your dream to become BBP Good Luck Herlene Hipon.
TumugonBurahinGood luck and godbless always
TumugonBurahinOk your very supportive ka nkakataba ng puso ang inyong pagtulong kay herlene para ma reach ang kanyang dream pero sir when it comes to her personalife especially ung lovelife nya let her decide at ikaw ay adviser nya lng kc she knows what is good to her let her free thank you for your goodness
TumugonBurahin