Humingi ng pasensya at tawad si Mommy Toni doon sa mga taong nadisrespect ang kanilang religion.
Ito'y matapos magsuot ni Mommy Toni ng hijab kung saan naging trending sa TikTok ang videong ibinahagi ni Toni Fowler sa kanyang official TikTok account. Makikita na nagsuot siya ng hijab.
Marami ngayon sa mga netizens at mga kababayan nating muslim ang napareact at napakomento rito. Hindi umano tama ang ginawang ito ni Mommy Toni. Disrespectful daw ito para sa mga Muslims.
Narito naman ang pahayag kung saan nagpapaliwanag siya at humingi ng tawad. Sinabi rin niya rito na wala siyang intensyong e-disrespect ang mga Muslims.
"Wala po akong intensyon na mambastos ng kahit anung religion. Wala po akong ganoong intensyon. Nakita ko lang po talaga siya sa TikTok. Hindi ko po alam na religion related siya.
Akala ko lang talaga simpleng trend lang na gusto kong gayahin at sundan, gawin din tulad ng iba. Hindi ko po alam na may mao offend. Again, hindi ko po alam na makaka offend po ako ng ibang religion. Wala po akong gustong bastusin na iba pong religion.
Mahal ko po ang mga Muslims. May mga kaibigan din po akong Muslims at hindi ko po talaga intensyong bastusin po yung pananamit at kung paano sila manamit. Trend lang po talaga siya. Pasensya na po kayo kung sa tingin niyo na disrespect ko po kayo.
Wala po talaga akong intention na mambastus. May ilan rin na kahit hindi mga Muslims ngunit grabe ang reaction. Nagulat rin po ako kung bakit ang daming views at ang daming comment."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!