Inilabas Na! Totoong Reaksyon Ni Jake Cuenca Sa Gitna Ng Balitang Hiwalay Na Sila Ni Kylie Verzosa!

Sabado, Abril 23, 2022

/ by Sparkle


Ilang linggo nang bali balita na ang relasyon nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa ay on the rocks. Naghiwalay na umano ang dalawa ayon sa mga dito. Lalong nagpasiklab sa balitang ito ang pagiging emosyunal ni Kylie sa isang episode ng It's Showtime kung saan napag-usapan ang tungkol sa hiwalayan.

Nagbigay na rin ng pahayag si Jake Cuenca sa tungkol sa isyung ito.

Kamakailan lang ay naging emosyunal ang dating beauty queen na si Kylie Verzosa sa isang episode ng It's Showtime nang mapag-usapan ang tungkol sa kung ano ang mga signs ng hiwalayan. 

Ang topic na ito ay naungkat sa interview portion sa segment ng It's Showtime na 'Sexy Babe'. Hiniling ni Vice Ganda na magbigay ng kanilang opinyon sa topic sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid at kalaunan si Kylie. Hindi nakapagsalita si Kylie at kalaunan ay napaluha na.  

Pagkatapos ay humingi ito ng paumanhin dahil sa kanyang pagluha. Dito nilapitan na siya ng kanyang mga co-judges na sina Ruffa Gutierrez at Chie Felomino. Maging si Vice Ganda ay lumapit na rin upang icomfort si Kylie.

"Natouch lang ako," paliwanag ni Kylie sa kanila. 

Bunsod sa nangyaring ito, mas lalong lumakas pa ang pakiramdam ng iba na totoong hiwalay na sina Kylie Verzosa at Jake Cuenca. Dagdag pa rito noong April 17 ay nagtweet din si Kylie ng makahulugang pahayag. Aniya,

'Broken'

Dahil dito sunod sunod na ang tanong ng mga netizens kay Kylie tungkol sa real status nila ni Jake pero hindi nito sinasagot ni Kylie hanggang sa kasalukuyan.

Noong April 20, 2022 ay sunod sunod naman na cryptic post ang ibinahagi ni Jake Cuenca sa gitna ng hiwalayan issue nilang dalawa. Ani Jake sa kanyang IG stories, 

'I wish I could wipe away your tears.'

Sinundan naman niya ito ng picture ng isang lalaki na tila malungkot na may caption.

'Whatever someone you become. Wherever you are in the world. I am sending you love.'

Sa huli ay idinagdag niya ang mga katagang ito,

'I will try to fix you.'

Hindi man diretsahang sinagot ni Jake ang mga tanong ng mga Netizens tungkol sa real status ng relationship nila ngayon ni Kylie, pakiramdam naman ng marami na may matindi ring pinagdadaanan ang aktor tulad ng girlfriend niyang si Kylie. Hiling ng mga fans na maging maayos na kung ano man ang pinagdadaanan nilang dalawa. 

Matatandaang taong 2019 nang aminin ng dalawa na may relasyon na sila. Matapos ng kanilang pag-amin, makikita sa mga photos nila ang kasweetan sa isa't isa. Maging sa social media ay pinapakita nila ang pagmamahal sa isa't isa. 

Nasangkot rin sila sa kontrobersiya nang magalit ang mga netizens kay Jake nang inakala ng marami na totoo ang marriage proposal prank ni Jake kay Kylie. 

Sa video makikita na naghanda ng candlelit dinner si Jake sa Palawan na karaniwang eksena sa mga wedding proposal. Mukhang excited naman si Kylie sa ginawang question ni Jake para sa kanya. Pero ang tinanong ni Jake ay kung kumain na ba si Kylie.

Marami ang nag-akala na nasaktan ang damdamin ni Kylie sa ginawang proposal prank ni Jake. Kaya inulan ng pambabatikos ang aktor at sinasabing napaka insensitive daw ng prank na iyon. To the rescue naman agad si Kylie at sinabing scripted lamang ang lahat at walang feelings na nasaktan during the shoot.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo