Kylie Versoza Kinumprima Ang Hiwalayan Kay Jake Quenca? Jake May Makahulugang Post Alamin

Huwebes, Abril 21, 2022

/ by Sparkle


Naging emosyunal si Kylie Versoza sa It's Showtime matapos tanungin ni Vice Ganda ang isa mga contestants tungkol sa mga signs ng break up sa isang relasyon. Hindi napigilan ni Kylie na maging emosyunal sa tanong ni Vice kung ano ang mga signs sa paghihiwalay mula sa isang relasyon. 

Hindi pa man ito nakapagsalita sa mic bigla nalang nitong tinakpan ang bibig at tila naluluha na. Napalapit naman dito ang kanyang kapwa hurado at yinakap siya. Bumaba naman ng stage si Vice Ganda upang bigyan ng comfort si Kylie.

Matatandaan na ilang araw pa lamang nang mapansin ng mga netizens na tila naghiwalay na sina Kylie Versoza at Jake Cuenca. Sa kani kanilang Instagram, makikita parin naman ang mga larawan nila na magkasama.

Samantala, si Jake Cuenca ngayon ay kasalukuyang namamayagpag pa rin ang pangalan dahil sa husay nito sa pag-arte.  Kasalukuyan itong gumaganap bilang Mayor sa seryeng Viral Scandal. Sa Instagram ni Jake Cuenca makikita ang pagpromote nito sa nasabing teleserye. 

Makikita rin ang ilang post na kasama nito ang ilang babaeng artista at tila may bagong project ito na gagawin. Ngunit kapansin pansin ang isang cryptic post ni Jake Cuenca, doon sa post may nakasulat na 

'I wish I could wipe away your tears.' 

Ito kaya ay pahayag niya para sa girlfriend na si Kylie Versoza? 

Maraming mga netizens ang nagsasabi na umalis na umano si Kylie sa condo nila ni Jake. Umaasa naman ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta na magkakaayos pa ang dalawa. Halata naman diumano na mahal pa nila ang isa't isa. Baka umano ay nagkatampuhan lamang ang dalawa at naghihintay lamang kung sino ang unang magpapakumbaba at hihingi ng sorry.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo