Kylie Versoza, Nagsalita Na! Binulgar Na Ang Totoong Dahilan O Ugali Ni Jake Cuenca

Sabado, Abril 30, 2022

/ by Sparkle


Imbes na magmokmok, naglakas loob si Kylie Verzosa na makisaya sa star studded summer launch ng kanyang studio. Kumpara sa tensyon noong nakaraang linggo, nakakatawa na si Kylie. 

"Happy occasion talaga sobra. Nahihirapan talaga ako actually. I was really thinking kung pupunta ba talaga ako today," sabi ni Kylie.

"My heart is getting better everyday. Ang dami kong natutunan sa sarili ko. I'm still trying to find ways to cope. Pero syempre masakit pa rin," dagdag niya.

Nitong nakaraang linggo kinumpirma ni Jake Cuenca ang hiwalayan nila ni Kylie Versoza pagkatapos ang tatlong taong pagsasama.

'Holding hands as friends' Jake Cuenca confirms break up with Kylie Versoza. Nagpasalamat naman si Kylie sa mga simpatiya ng publiko sa kanila ni Jake.

"Sobra yung pagmamahal at pasasalamat ko sa lahat. Masakit talaga ang pinagdadaanan namin."

Dagdag pa ni Kylie, solution para maibsan ang kalungkutan niya ngayon ay ang makabalik sa kanyang trabaho. 

May special routine siya sa Bb. Pilipinas 2022 kung saan sinusuportahan ng maraming candidates ang mental health advocacy na unang sinulong ni Kylie sa pageant.

Samantala, sa isang suprisang tweet, nagbago na ang official line up ng Binibini Candidates sa pagback out ng tatlong kandidata. 

Sa gitna ng mga speculation, opisyal na pahayag mula sa pamunuan ng pageant, sila ay nagwithdraw sa competition at pinalitan naman nina Patricia Ann Tan, Joanna Marie Rabat at Lala Vinzon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo