Maja Salvador ENGAGED NA sa BF na si Rambo Nunez! Proposal Naganap sa Palawan NAKAKAIYAK!

Martes, Abril 19, 2022

/ by Sparkle


Naging emosyonal at bumuhos ang luha ng sikat na aktres na si Maja Salvador matapos ang proposal ng kanyang long time boyfriend na si Rambo Nunez. Caption ni Maja sa kanyang post, 

'My new beginning @rambonunez'

Naganap ang proposal kay Maja Salvador sa isang holy week trip sa Palawan kung saan kasama nila ang kani-kanilang mga pamilya. Ang naging proposal ay naka-disguise naman as easter egg hunting.

Habang naghahanap si Maja Salvador ng mga easter egg, wala siyang kaalam-alam na may nakatago na palang engagement ring sa mga itlog. Nang makita niya na ito, doon na nagsimula ang proposal sa kanya ni Rambo Nunez.

Makikita naman sa mga pictures na napaiyak si Maja sa nangyaring proposal sa kanya. Agad naman niya itong sinagot ng isang matamis na 'Yes'. Maging ang mga ina ng dalawa ay hindi napigilan ang mapaluha sa sobrang kasiyahan sa new chapter na ito sa buhay ng mga anak nila. Ipinarating naman ng dalawa sa kani-kanilang malalapit na kaibigan ang magandang balita through video call. Maging ang mga ito ay hindi napigilan ang pagiging emosyonal sa nasabing balita.

Samantala, matatandaang ito ang second time na naging couple ang dalawa. Ang love story nila ay nagsimula noong early 2000s. Naghiwalay sila noong 2010 upang makapagfocus sa kani-kanilang mga career. Taong 2018, nagsimulang mag-date ulit ang dalawa hanggang sa nagkaroon na sila ng relasyon. Ngayong taong 2022 ay engage na sila at malapit maging officially Misis Nunez na si Maja Salvador. Hindi naman sinabi kung kailan gaganapin ang kasal pero may mga usap-usapan na gagawin ito sa first quarter ng susunod na taon dahil magarbo diumano ang gaganaping kasal ng dalawa. Sabi naman ng iba na ang kasal ay magaganap ngayong December.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo