Magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring inaabangan ng mga netizens lalo na ang mga fans sa mga official statements ng mga sikat na personalities na sina Zeinab Harake at Skusta Clee matapos umugong ang mga haka hakang naghiwalay na sila. Nagulat ang lahat sa kamakailang pagbabalita ni Zeinab na nakunan siya sa ikalawang baby sana nila ng rapper na si Skusta Clee.
Alinsunod nito iba't ibang issue ang nagsilabasan ngayon ukol sa dalawa. May nagsasabing kaya nakunan si Zeinab Harake ay dahil sa labis na stress matapos malaman na may ibang kalaguyo ang kanyang partner na si Skusta Clee. Kaya ito umano ang rason kaya naghiwalay ngayon ang dalawa. Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nambabae si Skusta Clee.
May mga kumakalat din ngayon na mga fake news tungkol kina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay hindi nagustuhan ng mga kaibigan at mga fans ni Zeinab Harake. Sila ay nakikiusap na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na walang basehan at walang katotohanan. Isa sa mga kaibigan na nakiusap na itigil na ang pagkakalat ng fake news ay si Donnalyn Bartolome. Aniya sa kanyang post,
Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you'd feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life.
I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything.'
Post naman ni Lantis Espiritu, isa ring kaibigan ni Zeinab sa kanyang Facebook page,
'Sometimes I think people don't realize how harsh their words are, so many people are secretly going through a lot even with their smiling faces. Try to be nice to others, check on them & show some love.'
Tweet naman ni Melissa Enriquez,
'Tigilan niyo muna kaka chat o tawag sa amin asking kung ano ang nangyari bigyan niyo muna ng respeto si @zeinab harake at peace of mind. PRAYERS PO ANG KAILANGAN NIYA WAG NIYO NG STRESSIN PLEASE LANG!'
Maging ang kapatid ni Zeinab na si Rana Harake ay nagsalita na rin. Ayon sa kanyang post,
'The truth will always comes out in the end, no matter how hard anyone tries to hide it or stop it. Lies are just a temporary delay.'
Samantala manager ni Zeinab Harake na si Jhay Isidro ay hindi na rin nakapagtimpi at nagsalita na din ito. Tila may patama pa kay Skusta Clee. Ayon sa kanyang post,
'Di maitatanggi, malabong mabura. Gamitin 'sangkatutak man na eraser.'
'Tablahin. Goodnight!'
Miny-day din niya ang kanta ni Olivia Rodrigo na 'Traitor'. Kung saan ito ay tila patama umano kay Skusta Clee. Ibinahagi din niya ang pahayag ni Donnalyn Bartolome na may captions na,
'Yap!! Kung alam niyo lang yung alam namin.'
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!