Matapos Manganak! Angeline Quinto Tinawag Na Kulang Sa Pansin

Sabado, Abril 30, 2022

/ by Sparkle


Indeed a happy mommy na ngayon ang actress singer na si Angeline Quinto. 

Sa kanyang social media post, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang bagong unlocked journey as a mother. Angeline gave birth to her first son. 

Bago pa man siya manganak, pinapakita niya ang photos as updates sa kanyang paglalabor. May mga makukulit din siyang gimik upang tila mas memorable ang kanyang first labor. 

Maging sa kanyang pre labor ay game na ipinakita ni Angeline sa publiko. Makikita talaga na siya ay masaya at very excited sa paglabas ng kanyang first baby. 

April 27, 2022, finally nasilayan na ni Angeline ang kanyang baby at pinangalanan itong Sylvio. It's a healthy bouncing baby boy. 

Marami ang masaya para kay Angeline at finally isa na itong ganap na ina. Marami ang nag congratulate sa kanya lalo pa't maayos niya itong nailabas sa kabila ng pagiging first baby nito.

Samantala, sa kabila ng pagiging masaya ni Angeline at ng lahat, may isang tao na tila hindi nasiyahan sa mga actions ni Angeline nitong mga nakaraang araw hanggang sa makapanganak na siya. Tila kulang daw sa pansin si Angeline. 

Ayon sa pahayag ng isang sikat na showbiz columnist na si Lolit Solis, tila hindi niya nagustuhan ang mga gimik at pakulo ni Angeline bago at pagkatapos nitong manganak. KSP o kulang sa pansin umano itong si Angeline. 

Trying hard umano ito na makakuha ng atensyon mula sa mga netizens. Tinawag ding cheap ni Lolit Solis ang mga actions ni Angeline. Ayon pa kay Lolit Solis, hindi umano niya alam kung ano ang dahilan ni Angeline kung bakit ipinost pa nito ang kanyang pre and after delivery moments. 

Gayung tila hindi naman interesado ang mga tao tungkol dito. Dahil naman sa pahayag na ito ni Lolit Solis, hindi naiwasan ng mga solid fans ni Angeline ang mag react at mainis. Sana daw ay maging masaya na lang si Lolit Solis sa kung ano ang nais gawin ni Angeline at ang paraan nito para itreasure ang kanyang journey to motherhood. 

Hindi 'yung lahat na lang daw ay pinapakialaman ni Lolit Solis. Nawa'y maging masaya na lamang umano ito sa mga achievements ng iba.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo