Trending ngayon at pinag-uusapan si Xian Gaza matapos imention at itag si Zeinab Harake sa kanyang video na inupload sa kanyang Facebook account. Kilala si Xian bilang isang marites at pag-iintriga sa mga celebrities. Kaya naman nagtataka ang lahat kung bakit kay Zeinab tila mabait ito.
Mainit ngayon na pinag-uusapan ang hiwalayan nina Zeinab at Skusta Clee. Kaya naman inaabangan ng lahat ang sasabihin ni Xian Gaza tungkol sa isyu nilang dalawa. Hindi alam ng mga netizens kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang relasyon.
Maging ang pambansang marites din ay sumasakit ang ulo sa kakaisip kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee.
'Zeinab Harake kayo pa ba ni Skusta? Pakilinaw kasi one week na ako ina-anxiety attack kakaisip. Nagdadasal ako ngayon dito sa Vatican tapos biglang pumasok na naman 'to sa isipan ko. Sobrang hirap eh.'
Sinundan naman ito ni Xian ng isa pang post,
'Facebook friend na kami ni Zeinab just now at inadd ko na siya sa puso ko kaya mayroon na siyang "Marites Immunity" from now on. Meaning to say, hindi ko na siya pwedeng itsismis kaya pwede ba maghanap na lang kayo ng ibang buhay na pag-uusapan at huwag niyo nang guluhin yung tao dahil ako ang makakalaban niyo. Thanks.'
Nagulat naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Xian. Kalimitan kasi kapag may ganitong issue, malimit siyang nakikisawsaw at kadalasan mga negatibong komento ang kanyang mga sinasabi. Sa kanyang panibagong Facebook post, nagulat ang lahat ng makitang nakatag si Zeinab sa bagong video ni Xian Gaza. Kaya naman ang komento ng ilan, mukhang nagparamdam ang pambansang marites sa sikat na vlogger.
Kasalukuyang nasa Europe ngayon si Xian Gaza para magbakasyon. Narito ang ilan sa mga samu't saring reaction mula sa mga netizens sa mga nasabing post ng pambansang marites.
'Di ko gets.'
'Beh siniship niya yung sarili niya kay Ate Zeb. Jusme ang Lt niya.'
'De mabiro lang yan si Xian pero sobrang yaman niyan. Wala sila connection ni Zeinab ganyan lang kaharot si Daddy Xian.'
'Inaasar lang ni Xian si Zeinab jan pero friends na sila.'
Kinaaliwan naman ng mga netizens ang ginawang ito ni Xian.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!