Usap usapan ngayon ang mga pahayag ni Cristy Fermin laban kay Andrea Brillantes. Sa kanyang youtube channel kasama sina Rommel at Morly nagpatutsada ito na tila scripted lamang daw ang naging proposal ni Ricci Rivero sa dalaga. Hindi umano ito kinilig sa proposal ng basketball player sapagkat meron na umanong T-shirt na may nakasulat na Yes or No. Dagdag pa nito na hindi sila ipinanganak kahapon. Ayon pa kay Morly parang planted diumano ang naging proposal. Komento pa ni Rommel,
'Huwag niyo nga kaming niloloko.'
Sabi pa ni Morly na kung totoo daw ang nangyaring proposal, sana daw ay walang T-shirt.
Nabahiran ng matinding kontrobersiya ang naging proposal na ito ni Ricci Rivero dahil bakit pa umano magpopropose si Ricci at tanungin si Andrea na maging kaniyang girlfriend gayung alam naman ng lahat na sila na. Ang tinutukoy ni Rommel ay ang mga larawan na naglabasan sa social media kung saan madalas silang namataan na magkasama. Isa na rito ang larawan nila sa Zielo BGC. Bagamat mayroon naman silang kasama sa panahong iyon, kasama nila ang kanilang kaibigan na sina Aura at iba pa may mga nagsasabi na ang galawan diumano nila ay magjowa na.
Sa latest upload ng YT Channel ni Manay Cristy ay natalakay nila ang dahilan kung bakit galit na galit ang nanay ni Francine matapos maglive si Andrea at pabulaanan ang isyu ng panunugod. Sa nasabing vlog, nagkomento rin si Manay Cristy tungkol sa pagkakaiba ng pagkatao nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.
Ayon sa kanyang obserbasyon, si Francine kurutin mo iiyak, si Andrea sapakin mo wala lang, matatag siya. Maging ang mga nakaraang eskandalo ni Andrea ay naungkat din. Marami na umanong pinalampas na isyu si Andrea na napakapersonal. Isa na rito ang eskandalo na kinaharap ni Andrea noon. Nagtrending ito at naging usap usapan dahil sa video na napanood ng ilang netizens online. Ang tinuturo nilang laman ng video ay walang iba kundi ang teen star na si Andrea Brillantes na napapanood sa teleseryeng 'Pangako Sayo' nang mga panahong iyon.
Matatandaan na maraming mga netizens ang nagulat sa napanood na video kung saan makikita ang isang babae na nag-eenjoy habang may ginagawa sa sarili. Mariing itinangggi naman ito ng pamilya ng aktres at kusa din namang nawala ang issue kalaunan. Samantala tila hindi pa tapos si Manay Cristy sa pagbanat kay Andrea may komento pa ito na ang
'Ano ni Andrea ay itinitinda sa kalye.'
Sumagot naman si Morly at sinabing paborito niya ang peanut butter, peanut brittle at adobong mani.
Sinabi rin ni Manay Cristy na walang wala ang isyung kinasasangkutan ngayon ni Andrea sa mga napagdaanan na niya noon.
Sa pag-uusap nilang muli sa relasyon nina Andrea at Ricci Rivero sinabi nila na hindi naman umano nila alam kung magtatagal daw ang relasyon ng dalawa. Sabi pa ni Manay Cristy na alam umano niya kung sino ang nagbigay ng unang sapatos ni Ricci Rivero. Hindi naman pinangalanan ng sikat na columnist kung sino ang unang nagbigay umano ng sapatos ni Ricci ngunit sinabi niyang dalawang beke ang nag-aagawan umano kay Ricci Rivero noon. Marami umanong nagsasabi na malamang hindi magtatagal ang kanilang relasyon dahil sa pagkakaiba ng mundong kanilang ginagalawan kaya 'pag naghiwalay posibleng itago nila ito para hindi mapahiya.
Sa huli sinabi ni Rommel na totoong maapeal si Andrea ngunit senigundahan pa ito ni Morly na malakas din pag-usapan dahil kung sino sinong mga boylet umano ang nalilink sa kanya.
Sa kabilang banda, umani ito ng samut saring mga reaction mula sa mga netizens.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!