Hindi napigilan ni Mocha Uson na magbigay ng komento tungkol sa naging campaign rally ng UniTeam sa Cebu, particular na sa pahayag ni Toni Gonzaga.
Sinabi ng batikang host na kaunti unting panahon nalang at babalik na si BBM sa dati nitong tahanan, ang Malacañang. Nagbigay naman ng kanyang opinion si Mocha Uson tungkol dito.
Ayon kay Mocha, tila napaghahalataan umano si Toni na walang alam sa public service. Paglilinaw pa ni Mocha na ang Malacañang ay opisina lamang ng mga nagiging pangulo ng bansa. Ang bawat Pilipino umano ang tunay na nagmamay-ari ng Malacañang.
"Gusto ko lamang pong magkomento dito sa sinabi ni Toni Gonzaga. Alam mo ma'am hindi maganda ang sinasabi niyo. Napaghahalataan na wala kayong alam sa public service. Si Pangulong Duterte nga po sinasabi niya na ang Malacañang ay kanya lamang opisina. Hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taong bayan. At para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan si Marcos ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito. Paalala lang po ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po ma'am matuto kayo sa mga sinasabi ni Pangulong Duterte," reaction ni Mocha Uson sa naging pahayag ni Toni Gonzaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!