April 21, 2022 pa lamang ay excited na may halong kaba si Herlene Budol o mas kilala bilang Hipon Girl sa gagawin niyang pagsali sa Bb. Pilipinas 2022. Bago pumunta sa Araneta para isubmit ang mga requirements para sa nasabing competition ay humingi pa ng pampagoodluck mula sa kanyang mga followers ang dalaga. Ipinakita niya rin sa Instagram ang swimsuit picture na nakalaan para sa Bb. Pilipinas. Patuloy ang paghiling niya ng suporta mula sa kanyang mga followers.
Patuloy rin ang pasasalamat ni Herlene sa mga taong tumutulong sa kanya upang matupad ang pangarap niyang makasali sa ganitong competition tulad ng manager niyang si Wilbert Tolentino na todo ang pag-aalaga sa kanya. Inenrolled din nito si Herlene sa one on one pageant training para masiguro na may laban ang dalaga sa gagawing beauty pageant. Nagsample din ng isang beauty queen pose si Herlene sa kanyang IG account. Aniya,
'Matanggap man o hindi ako matanggap bukas sa Bb. Pilipinas at least nagtry lang si Hipon. Sana mainspire ko kayo mga Hiponaticz na never give up on your dreams because great things take time. Work hard and be optimistic.'
Bago ang araw ng Byernes April 22, 2022 ay taimtim na nagdasal si Herlene, ang napipintong paghatol kung matatanggap ba siya bilang isang kandidata ng Bb. Pilipinas sa taong ito.
Inamin ng dalaga na sobra sobrang pressure ngayong araw, April 22 dahil hindi umano niya alam kung mamemeet ba niya ang expectation ng kanyang manager sa magiging outcome. Pero natutunan daw niya na everyday is a new beginning. Start a day with big smile para maka attract ng good vibes.
Para sa hindi nakakaalam, bago pa man pumasok sa mundo ng showbiz si Herlene ay sumasali na ito sa mga local beauty pageant. Ngayon bilang pagtupad sa kanyang bagong pangarap, susubukan niyang abutin ang pagiging Bb. Pilipinas.
Pagdating ni Herlene sa Araneta ngayong araw para sa Final Screening ng mga kandidata sa Bb. Pilipinas, marami ang nakapansin na medyo nagtone down si Herlene ng kanyang personality. Sa pagkakataong ito medyo mahinhin ang kanyang mga kilos at maging ang kanyang pagsasalita ay nagbago rin.
Nawala ang kanyang pagiging magaslaw at ang kanyang pagiging maingay. Napakalaki rin ng improvement sa kanyang make-up look. Maski ang pagngiti ni Herlene ay may malaki ring pagbabago. May pagkafiness na ito na karaniwang nakikita sa mga beauty queens. Kahit pa medyo halatang kinakabahan si Herlene sa Final Screening ay sinikap pa rin niyang panatilihin ang kanyang composure at ngiti sa labi na talagang nagpahanga sa mga nakakita.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!